"Will you go out on a date with me?"
Nanatili akong nakatulala sa kanya at sa lukot na papel na hawak-hawak niya. Hindi ko alam kung gaano ko katagal pinigil ang paghinga ko pero sa bawat tibok ng puso ko parang gusto na nitong makawala sa katawan ko. Parang gusto nitong umalis sa dibdib ko at tuluyang mapunta sa tabi ng puso niya.
"H-ha?" 'Yan na lang ang tanging nasabi ko.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Jayden at ako, dito sa canteen, habang patuloy sa pagdami ang mga taong nanonood sa amin. Totoo ba ang lahat nang 'to?
Hinanap ko ang pamilyar na mukha ni Yawn mula sa mga taong nagkukumpulan. Nasaan ka na ba Yawn? Kung kailan naman kailangang kailangan kita.
"Ang sabi ko, makipag-date ka sa akin." Binitawan na ni Jayden ang papel at saka siya humakbang papalapit sa akin. Isa, dalawa, tatlo, hanggang sa halos ilang pulgada na lang ang layo niya mula sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
"A-ano?" nauutal kong tanong sa kanya.
"Wala ka na bang ibang alam sabihin kundi ha at ano?"
"Ha?" Nakarinig ako ng tawanan mula sa mga barkada ni Jayden na nasa likod lang niya. Napatingin ako sa lapag sa sobrang kahihiyan pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko na siya namang ikinagulat ko.
"J-jayden-"
"Kapag sinabi mong oo, ako na ang pinakamaligayang tao ngayon dito sa buong school. Nikki, will you please say yes?" napatingin ako sa mga mata niya pero agad rin akong umiwas.
Paano kung isa na naman 'to sa mga trip niya? Paano kung pinaglalaruan niya lang ako? Paano kung prank niya lang 'to? Bumitiw ako mula sa pagkakahawak niya at nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulat.
"Hindi nakakatuwa 'tong joke mo Jayden, sorry but I will not fall for your silly pranks anymore." Tumakbo ako palayo sa kanila, sa mga tao, palayo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko na lang ang tuloy-tuloy na pagpatak ng luha ko. Hanggang sa hindi ko namalayang nasa gym na pala ako.
"Mukha ka na namang tanga Nikki, bakit ka ba umiiyak?" Saway ko sa sarili ko habang nakaupo ako sa isa sa mga bleachers at nagpupunas ng luha.
Ayoko na, ayoko na ng ganito. Sanay naman akong maloko diba? Sanay naman ako sa mga panti-trip niya pero bakit nasasaktan ako?
Siguro kasi hiniling ko na sana hindi lang 'yon biro, na sana gusto niya rin talaga ako. Na sana totoo na lang lahat ng sinabi niya kanina.
Napatigil ako sa pag-iyak nang tamaan ako ng volleyball sa ulo. Hinanap ko kung sino ang walang modong may-ari ng volleyball na 'yon pero walang tao sa paligid maliban na lang sa kanya. Kay Jayden na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin.
Kinuha ko yung volleyball at saka ko 'yon binato sa kanya.
"Ano? Masaya ka na? Masaya ka na bang napahiya na naman ako sa harap ng maraming tao? Malamang tumatawa na sila ngayon, bakit ba kasi ayaw mo pa akong tigilan?" Ayaw kong umiyak sa harap niya pero hindi ko na napigilan, ang hirap palang magpigil ng luha kapag nasimulan mo na.
Hindi pa ako nakuntento at ibinato ko naman sa kanya ang sapatos ko, inaasahan kong iilag siya pero hindi niya 'yon ginawa kaya tinamaan siya sa may bandang braso.
"Tigilan mo na ako, please? Kasi hindi ko na talaga kaya." Napaupo na lang ulit ako sa isa sa mga bleachers habang natatakpan ng dalawa kong kamay ang mukha ko.
Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng sakit ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya nagustuhan, hindi ko alam pero ang sakit na. Parang 'di ko na yata kaya.
BINABASA MO ANG
I'm In love with the School's Bully? (One-shot story)
Teen FictionNaging crush mo ang taong pinaka-kinaiinisan mo? Kakaiba pero 'di ba nga, "The more you hate, the more you love?"