CHAPTER FIVE

45 2 0
                                    

Natapos na kaming kumain at bumalik na kami sa room.

Makalipas ang lahat ng subjects sa wakas ay tumunog na ang bell, ibig sabihin ay oras na para sa uwian ng mga estudyante.

Sabay kaming lumabas ni Rica sa room. Habang naglalakad kami palabas ng campus nakita ko si Raphael na kasama ang friends n'ya mukang hindi namin ito kaklase kasi hindi ko sila nakita sa room.
Nagtama ang mga mata namin pero agad naman nyang iniwas na para bang hindi kami magkakilala, iniwas konal'ng rin ang paningin sa kanya pero bakit parang biglang nanikip ang dibdib ko ba't parang nasasaktan ako?.

Itinuon ko nalamang ang paningin ko sa paglalakad, napansin kong Tahir ang kaibigan kong si rica parang may pinagdadaanan ang bruha!!.
"Huyyy frenny" pasigaw na sabi ko habang niyuyugyog ko s'ya.
Namulatan s'ya at napatingin sa'kin, nanlaki ang mga mata n'ya at kita ko parin ang lungkot sa kanyang muka.
"Bakit?" Matamlay na sagot n'ya.

" May problema ba? Kanina kapa tahimik diyan eh!".
"Wala naman wala lang ako sa mood ngayon ".

Alam kong May problema itong babaeng ito pero hinayaan ko nalang s'ya baka pag pinilit kong sabihin ang problema n'ya baka ikagalit niya pa ito. Alam kong ayaw nyang pinapakiilaman sya kaya hinayaan ko nalang s'ya.

The first time I saw youWhere stories live. Discover now