CPM 70

2 0 0
                                    

3rd Peron's
Point of View

Walang ginawa si Averill kun'di ang umiyak nang umiyak sa harapan ng dalaga. Akala mo'y napano na dahil sa aping-api itong umiiyak at nagsusumbong.

"Tumayo ka na riyan, Averill. Magkakasakit ka!" nag aalalang utos ni Snowdrop saka pilit na itinayo ang binata ngunit wala siyang lakas para buhatin ito.

"W-Why are you doing this to me? I thought w-we're okay? Ano ba kasing mali?" aniya habang humagulgol.

Nakayakap ito sa binti ni Snowdrop habang inilalabas ang hinanakit gamit ang pag iyak.

"Sabi nang tumayo ka na riyan! Walang mali, okay? I'm just tired but that doesn't mean na pagod ako sa'yo. Pagod ako sa nangyayari ngayon. Aya is missing and I don't know kung saan ako magsisimula just to find her. Please? Makisama ka naman."

"That's why you're not answering my call? Hinalikan mo pa nga 'yong lalaking 'yon. Why? Dahil wala ako sa tabi mo? Dahil hindi mo kaya ang sitwasyon natin? Nowi, you can call me anytime. Uuwi ako rito sa Pilipinas just to make you feel safe and happy. Magsabi ka lang, handa ko'ng talikuran lahat para sa'yo."

"Enough, Averill. Malalim na ang gabi. Magkakasakit ka sa lamig. Tumayo ka na riyan."

"I don't want to! Answer me... d-do you still want to wait?"

Mariing napapikit ang mga mata ni Snowdrop. Hindi makapagsalita. Aaminin niyang may parte sa kaniya na gusto ngunit may bahagi namang pagod na siya dahil sa mga nangyayari.

"Just tell me if not. Okay lang naman sa'kin. Kung iyan ang desisyon mo, ano ba'ng magagawa ko?"

Tumayo ito saka pinantayan ang mga titig ng dalaga. Pagod at basa ang mata nito. Para ba'ng kaunting kalbit na lamang ay bibigay na ito.

"I love you, Nowi. D-Do you feel... the same way?"

Hindi nakapag salita ang dalaga. Malungkot na yumuko ito saka ipit na umiyak. Kung tatanungin, napaka toxic ng relasyon nila. Hindi sila magkasundo sa isang bagay.

Hindi na nakapag pigil pa ang binata kaya't agad niyang sinunggaban ng mahigpit na yakap ang dalagang nagpapahina nang lubos sa kaniya.

"Pagod ka na ba? You can rest naman. I'll wait for you. Alam mo, sa totoo lang, nasasaktan ako. Pero ano'ng magagawa ko? You are my weakness. Kaya h'wag mong mamasamain kung masyado kitang sinasakal sa pagmamahal ko. Ikaw lang ang meron ako, eh."

Natapos ang eksenang hindi inaasahan sa gabing iyon. Nag paalam na rin si Averill sa mga magulang ng dalaga para bumalik sa ibang bansa. Tumakas lang kasi ito para malaman kung nasa maayos ang lagay ni Snowdrop.

Ngunit doon din natapos ang lahat. Walang nagawa si Averill kun'di ang sundin ang gusto ng dalaga na huminga muna at mag pakaisa. Pagod at nasasaktan man ngunit inintindi niya ang kalagayan.

Lumipas ang buwan nang walang koneksyon sa kanila. Busy sa paghahanap sa kaibigan si Snowdrop kaya hindi na niya napapansin ang kalagayan niya.

Hanggang sa sumapit na nga ang hindi inaasahang pangyayari...

Coffee per Message (EPISTOLARY 1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon