7 - badmood

6 2 1
                                    

Nag lalakad ako sa hallway papuntang room habang iniisip ko nanaman 'yung nangyari kahapon.


pang gulo ba talaga ako ?



"anyways, self kalma ka lang"  sabi ko sa sarili ko.



"girl, okay ka lang ba?" biglang pag sulpot ni Thea sa harap ko.



"AY PALAKA KA" gulat na sabi ko.



hays! aga aga eto nanaman itatanong.



"mukhang nagulat ka ah, may iniisip kaba?" Tanong ni Thea.



"jusko, pwede bang mamaya kana mag tanong teh" sabi ko sakanya habang sabay kami nag lalakad.



"okay.." sabi niya.



nakarating na kami sa room at pumunta naman na kami sa aming upuan.



"ayun padin iniisip ko, tangina self ano na? ganto nalang ba routine mo lagi? maging tanga? maging overthinker? hays! kung ikakamayaman ko lang 'tong kakaoverthink ko edi sana mayaman nako" sabi ko sa sarili ko.



"Maya, may assignment kaba?" Tanong ni Ero.



"Che! Sa iba ka mangopya" sabi ko.



"Damot mo naman pero pag sa taong gusto mo nagpapakopya ka" sabi niya.



"bakit gusto ba kita para pakopyahin kita?" tanong ko sakanya at inikot ko naman ang aking mga mata para ipakitang naiirita ako sakanya.



"taena mo" pag walkout ni Ero.



agad naman akong nagulat dahil pumasok si Aki....



jusko lord eto nanaman po tayo eh, akala koba hindi ganto 'yung bonding?



binati ng lahat si Aki, ako lang 'yung hindi bumati sakanya kase why not diba? charot, maya na.


"Maya" masayang pag tawag ni aki sakin.


GAGO YUNG PUSO KO LORD....


"why?" Tanong ko.



"di mo man lang ako igegreet?" Pag tatampo ni Aki.



"For what?" Sabi ko.



"edi wow" sabi niya sakin at umupo nalang sa upuan niya na badmood.



Akisha Breseis Santiago, ang manhid mo.



after ilang minutes dumating narin first subject namin, pinaka ayaw na subject ni Ero.



"goodmorning class, before we start our discussion let's pray first" sabi ni maam Silverio.



after namin mag dasal pinaupo na kami at nakinig na kami sakanya.



"next week, mag l-laboratory tayo and don't forget your lab gowns, goodbye class." Sabi ni maam Silverio.


Timeskip.

lunch break na namin pero 'di ako sumama kila Aki para kumain dahil wala ako sa mood para harapin siya kaya dito nalang muna ako sa garden.



"Kierra, ang swerte mo...." sabi ko sa sarili ko.



ayokong dahil lang dito sa nararamdaman ko ay masisira kung ano man meron kami ni Aki at mas lalong ayaw ko sirain 'yung dalawa, well, sila naman talaga, ano laban ko? wala...



after ilang minutes umalis narin ako sa garden at bumalik sa room.



ako lang pala magisa dito sa room pero okay naman kase peaceful at wala pa sila Aki so makakahinga ako ng maluwag.



at biglang dumating sila Ero....



"sis, ba't 'di ka sumama sa min?" Tanong ni Ero.



"oo nga, ang saya kaya namin kanina" sabi ni Aki.


"waste of time tsaka may pinuntahan ako" sabi ko.


"AYIE CRUSH MO 'YON NOH?" Pangaasar sakin ni Aki.


manhid mo.


"you know what? wala naman akong crush or what tsaka masyado akong busy na tao para sa ganyan" sagot ko.


"eto naman, kahit kailan talaga 'di ka mabiro" sabi ni Aki.


"pwede bang umalis nalang kayo sa harap ko" sabi ko sakanila.



"okay..." sabi nila at umupo na sila sa kanilang upuan.



well, alam nila na wala ako sa mood kaya naman sobrang tahimik 'nung room pero sa group chat naman namin sila nag iingay.




Timeskip.


uwian na namin at medyo umiiwas ako kay Aki pero pinapansin ko naman siya and sila Ero, 'di nga lang gaya 'nung dati.



andito ako sa ministop sa españa, ang daming memories dito.



dito kase laging tambayan namin kapag uwian or break kase sobrang lapit lang pero ngayon gusto ko mapagisa, ginusto ko 'to kaya paninindigan ko.



nag stay rin muna ako dito ng ilang minutes kase nakakatamad pa umuwi kahit malapit lang dito 'yung apartment ko.



nakaupo lang ako dito habang kumakain nang biglang nakatanggap ako ng message kay Aki sa instagram.



Aki: hello ! badmood ka kanina, okay ka lang b ??

Maya: oo naman, HAHAHA

Aki: sure ka ah? pero if you need me im here lang, oki ? :)

Maya: ty


pa'no ako 'di mahuhulog sa'yo? binibigyan moko minsan ng mixed signals or sadyang assumera lang ako.


tayo nalang kase, charot.
bawal pala...



hays, makauwi na nga.




ANNOUNCEMENT:

a/n: hello ! nakita niyo naman 'yung day kung 'san umiiwas si Maya, rurupok ba siya ??? 🤔 let's wait sa next pov niya ! mag d-drop din pala ako ng twitter account para kayo mismo pumili ng magiging ganap sa mga next chaps, mag a-announce nalang ako kung kailan 'yung poll

Her.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon