~Bzzzzzzz!!!!
~Bzzzzzz!!!!
Tinakpan ni Rhianne ang kaniyang tenga sa pamamagitan ng malambot na unan.
Madiin siyang napapikit at muli na namang pumasok sa kaniyang isipan na kailangan niyang magkaroon ng at least 6 hours of sleep.
~Bzzzz!!!
~Bzzzzz!!!
Kaya mo 'to. Matulog ka na. Maaga ka pa bukas. May exam ka.
Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na mukhang ayaw makisama sa kaniya ngayon. Kahit ano'ng gawin niya ay hindi siya dalawin ng antok.
Inis siyang bumangon at tulalang tiningnan ang kaniyang lamesa sa gilid. Halos matakpan na ng kaniyang mga notes ang kahoy.
Bigla ay lumipat ang tingin niya sa kaniyang cellphone na kanina pa nag v-vibrate.
Naiirita niya itong kinuha at sinagot. "Mr. Santos." Parang walang bakas ng inis ang boses ng dalaga nang sagutin ang tawag ng kaniyang guro sa Ingles.
Ang pinakaayaw niyang subject. Kahit ano'ng gawin niya ay hindi talaga siya makaunawa ng Ingles. Palibhasa ay second language niya lang naman ang Tagalog. Isa siyang half-korean na nag migrate sa Pilipinas.
Hanggang ngayon kase ay pilipit parin ang dila niya.
"Anniyo. Matutulog na po ako." Kunot noo siyang umiling matapos na sabihin nitong naka-online pa daw siya sa Facebook.
Imposible, hindi naman siya naka-online. Akala tuloy ng kaniyang guro ay nagpupuyat siya. Alam naman nilang pareho na bukas na ang final exam.
Kailangan niyang makakuha ng mataas na marka upang mapanatili niya ang scholarship.
["Siguro ay may nag h-hack ng account mo. But anyway, that's only it. Goodnight."]
"Goodnight Mr. Santos." Nabahala tuloy si Rhianne sa narinig. Iyon lang pala ang concern ng guro niya. Akala niya kung ano.
Pero imbes na problemahin iyon at tuluyan niya ng pinindot ang airplane mode at nag balik sa problema.
Hindi talaga siya makatulog. Gising na gising pa ang buo niyang diwa. Kung tutuusin ay kaya niya nga pang mag jogging ngayon sa sobrang aktibo ng kaniyang pakiramdam.
"Ah ganun," pumadyak siya palabas at bumaba. Tulog na lahat ng nasa bahay nila kaya nag dahan-dahan ito sa pag bukas ng cabinet.
Agad na bumunggad sa kaniya ang mga gamot ng kaniyang Lolo. Hinalungkat niya ito at tsaka siya napangiti ng makita niya ang isang maliit na garapon.
Kumuha siya ng isang tableta at nag dala rin ng tubig sa taas. Tsaka niya tiningnan ang nasa palad.
Sleeping pill.
Medyo nag-aalangan siya kaya sa takot na baka mapahaba ang tulog niya ay hinati niya pa ito sa dalawa.
"Ayan, siguro naman ay magigising ako nito sa saktong oras." Sabi niya sa sarili at ininom na nga ito.
Bumalik siya sa higaan at hinintay na dalawin siya ng antok. Agad namang gumana ito kaya tuluyan niya ng pinatay ang ilaw sa lamesa niya.
...
To be continued...
YOU ARE READING
UNKNOWN UNIVERSITY
General FictionA highschool student just woke up in an unknown university. What would her life be in this new world and what is the biggest revelations behind it?