Step 1

54 2 0
                                    

ACCEPT THE FACT NA HINDI KA NA NIYA GUSTO/HINDI KA NIYA GUSTO.

Truth hurts. :( But the truth will set you free.

Masakit man, pero kailangan mong tanggapin. Yung iba sinasabi na "sana hindi mo nalang sinabi yung totoo, para hindi ako nasasaktan ng ganito."

Wrong.

Mas masakit kung papaniwalaan mo ang kasinungalingan. Na akala mo gusto/mahal ka niya, pero hindi pala. Yung araw-araw ka ngang masaya pero hindi naman tama yung iniisip at nararamdaman mo.

May tao din na inaccept nga ang katotohanan pero nagpapaka-tanga padin.

Yung tipong alam mo ng hindi ka gusto/mahal, eh patuloy ka padin ipush ang sarili mo sa kanya.

Tandaan: HINDI KA ISDA PARA IPAGSIKSIKAN MO ANG SARILI MO SA LATA.

Isipin mo na ikaw yung isda at siya ang lata. Isa ka sa isda na laman ng lata. Isipin mo kung gano kasikip. Isipin mo kung gano nakaka-suffocate. Isipin mo yung hirap at sakit na makipagsisikan.

Kung magiging isda ka man, hindi ka lang sardinas. Isipin mo yung worth mo. Wag mong hayaang maliitin ka ng kung sinuman.

"Love yourself first before you love someone else. Love youself more than anyone else."

Escape from HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon