para sayo,
MAHAL KO
sa mga oras na ito ikaw ang laman ng puso't isipan ko.
ewan ko ba kung ba't sa dinami daming tao sa mundo sayo pa ako nahulog.
ni minsan sa buhay ko di ko naisip na mahulog sayo.
kahit anong pilit kong alisin ka sa buhay ko ay di ko magawa .
nakakalungkot isipin diba? ikaw din kase ang nagbigay ng mga masasayang
ala-ala na tila imposibleng makalimutan.
naaalala mo pa ba nung niyaya mo akong lumabas. Dun ko naramdaman ang pagtibok ng aking puso.
Sa bawat salita na sinasambit mo ay tila nasa ulap ako.
Yun yung mga panahon na SIYA pa ang gusto mo. SIYA na higit sa kung sino ako .
tiniis ko ang sakit sapagka't wala akong karapatan at nakikita kong masaya ka.
ngunit nung nasaktan ka di ba't ako ang naging karamay mo at pilit kang pinapasaya?
lahat ng katangian na sayo na.
ang saya ko nung nalaman kong gusto mo rin ako
tinuring mo ako na parang isang prinsesa ngunit
sayang hindi tayo ang para sa isat isa.
tanga na kung tanga pero ipinaglaban kita.
ipinaglaban kita sa mga taong pinipilit tayong sirain. pinaglaban kita dahil mahal kita.
pero sadyang ang bilis mong sumuko.
naglaho ang lahat ng parang bula.
kahit anong limot ko di ko magawa. siguro nga'y di tayo ang para sa isa't - isa
nagmamahal,
ANG UMAASA
BINABASA MO ANG
liham
Romancemga liham na galing sa aking puso. mga salitang nais kong sabihin ngunit hindi kayang gawin. mga linyang sa papel ko lang maiguguhit. liham para sa aking mahal