Shaun
Monday 7:12 AM
Salamat sa hatid at breakfast
Baka hindi pala ako makaksabay mamaya kapag uuwi na
May group peta kasi kami na gagawin
Pero may break ka naman sa sa lunch?
Yup
Anong oras?
12 PM
Sige
Hintayin na lang kita sa parking?
Baka malate kami, mauna ka na lang
Sayang din yung oras, pwede ka pang mag-aral non
Pwede rin naman ako magbasa sa coffee shop
Or kahit sa kotse kung ayaw mo ng magastos
Di ka ba mabobored niyan?
Wala yan
Ako pa ba
Ewan ko sayo
Basta nagsabi na akong malalate kami, ah.
Nagsabi na rin akong hihintayin kita
Kahit doon pa ako maghintay sa labas ng room niyo para kita mo pa ako
Gaga
Hahahahha
Sige see you sa lunch
Ge
[TWITTER]
ila 🔒 @iannalogs
bakit ganito si shaun
ila 🔒 @iannalogs
nakakainis
ila 🔒 @iannalogs
NAKAKAINIS NA EWAN HINDI KO ALAM
ila 🔒 @iannalogs
nakakainis na hinintay niya talaga akong matapos
ila 🔒 @iannalogs
parang bumabaliktad sikmura ko, ewan.
ila 🔒@iannalogs
gutom lang to
Unknown Number
Sunday 9:37 AM
Magandang umaga, anak.
Si nanay Imelda ito.
Dito ka ba magbabakasyon? Miss ka na namin, Ianna.
Monday 9:25 PM
Good evening po, ma.
Pag-iisipan ko po.
Kung tanggap pa po ako riyan sa bahay, bakit hindi po?
BINABASA MO ANG
Just Right Next Door
Roman d'amourMoving out seems the right thing to do to restart her life which she cannot do due to her annoying neighbor just right next door. Just Right Next Door Tulips Scars Series An epistolary by rashiane Copyrights December 2022
