Sai's POV
Nandito ako ngayon sa tindahan namin. Umalis kasi si Mama kaya ako muna yung pinagbantay nya.
Anyway, ako nga pala ang Poging si Sai. 16 years of gwapong existance. *wink*
Kasalukuyan akong nakatitig sa wallpaper ko. Kung itatanong nyo kung ano o sino ang nasa wallpaper ko, isa lang ang masasabe ko. Sya si Kendra, ang babaeng nakapagpatibok ng gwapong puso ko.
Una ko syang nakita sa bahay nila. Birthday kasi nung bunso nyang kapatid ng mga panahon na yun. Unang kita ko palang sa kanya alam kong She's the one. Takte ang mais ko.
Di ko alam kasi bigla nalang talaga nag dugdug yung gwapo kong puso. Syete nakakabakla.
"Kuya yelo nga po!" Sigaw nung batang bumibili habang tinutuktok yung dala nya barya sa grills ng tindahan namin.
"Wala. Malambot pa." sigaw ko rin kahit meron. Tinatamad akong tumayo. Wag kayong ano dyan.
Nagcecellphone lang ako ngayon dito dahil wala naman masyadong bumibili. Teks ko kaya si Kendra? Pero teka! Anong sasabihin ko?
Hi Kendra. Ako to ang gwapong si Sai.
Yan kaya. Kaso pangit. Hi nalang pala para gwapo. Isesend ko na sana kaso bigla along namlumo. Wala nga pala akong number nun. Watta life!
Pumasok muna ko sa loob ng bahay dahil wala namang bumibili. Manonood muna ko.
"Pabiliiiiii. Pabbiiiiiiliii. Pabiiiiiiiiiliiiiii! " Ganyan yung nakakainis eh. Kakaupo mo palang may bumibili na agad tas kung makasigaw pa kala mo may sunog. Tss -.-
Pinatay ko nalang yung tv at pinagbilhan na yung bumibili.
"Ano yun?" tanong ko.
"V cut nga po tsaka coke." sagot nung bata.
Pag kaabot ko sa kanya nung binili nya, binigay nya yung bayad tsaka umalis.
Makalipas ang ilang minuto at wala pa ring bumibili. Boring. Ayaw ko naman pumasok ulit sa loob dahil pag nandun ako tsaka sila bumibili. Nakakapagod kaya pag ganun.
Naglaro nalang ako sa cellphone pero pagkalipas ng ilang minuto tinamad na din ako.
Ano kayang number ni Kendra? Nahihiya kasi akong hinggin yung number nya sa mga kaklase namin eh.
"Pa load!" Napatingin naman ako kung sino yun. And guess what mga kababayan sa earth! Si kendra malabss.
"Magkano Kendra?" tanong ko habang naghahanap ng ballpen. Para san yung ballpen? Ipapasulat ko yung number nya bakit? Ayaw ko ipatype eh. Paki nyo? It's my chance dude. HAHAHAHA ^_^
"Oh ikaw pala yan Sai. 15 lang. " sya sabay nginitian ako. Sht. Ba't ang ganda nya?
"Sulat mo nalang number mo dito. Mahina kasi signal eh." sabi ko kahit hindi. Ang lakas kaya ng signal dito.
"Asan nga pala si Tita? Himala ata at ikaw ang nagbantay ng tindahan nyo?" sabi nya habang sinusulat yung number nya.
Tita tawag nya kay Mama. Magkumare kasi yung mga Mama namen.
"Namalengke si Mama eh kaya ako muna pinagbantay nya. " sagot ko sa kanya. Di kasi talaga ako nagbabantay ng tindahan sa kadahilanang ayoko lang.Bakit ba?! Pero kung si Kendra yung bibili, ayos lang kahit ako na lagi yung magbabantay. 8D
"Ah ganun ba. Sige una nako. 'To nga pala yung bayad.Bye." At tsaka sya tuluyang umalis.
Yes! Mateteks ko na rin sya sa wakas ng panahon. Pero bago yun iloload ko muna sya .