Kaye
Matapos ang isang taong paglalagalag ko sa iba't-ibang siyudad, sa wakas nakapag desisyon na akong muling magturo. Sadyang bokya talaga ako sa paghahanap ng true love! Ang dami kong nilibot na lugar mag-isa, umasa na makikita at makakasalubong sa di inaasahang pagkakataon ang childhood best friend ko slash first love ko, pero wala. Hindi yata talaga nakatadhana, sayang naman! All this time umasa pa naman ako sa pangako niyang pakakasalan niya ako kapag umabot na kami sa edad na treinta at parehong single. I know, masyado akong isip bata para umasa pa sa pangakong iyon, pero para sakin mahalaga iyon. He's always my first and I want him to be my last. Sounds hopeless romantic, pero ganoon talaga ako. I am Kaylee "Kaye" Andrada, thr thirty-year-old virgin na umaasa sa tadhana, na walang ibang minamahal at pinapantasya kundi si Caden Luis Flores, ang best friend ko na lihim na minamahal ko.
"Kumusta ang mga estudyante mo, sis?" nakangiting tanong ni Maddy habang nakasakay kami sa jeep at pauwi. Ito kasi ang unang araw na pagtuturo ko sa Montessori School of Immaculate Conception sa Maynila, ipinasok ako ni Maddy na co-teacher ko na ngayon. Sabay kaming nagtapos ng BS Education noong kolehiyo, nagturo kami agad sa iba't-ibang school pero noong malaon ay naisip kong mag unwind muna, mag te-treinta anyos na ako at wala pa akong love life, samantalang siya... isang taon ng kasal. Nakakainggit. Minsan napapaisip na lang ako kung pangit ba talaga ako o kulang lang ako sa kalandian?
"Ayun, okay naman pero syempre hindi mawawala ang maiingay at makukulit na bata." Na-assign agad akong maging adviser ng grade one dahil nag maternal leave ang adviser nila.
"Naku sis, bantayan mong mabuti ang mga batang 'yon dahil maraming nambu-bully roon. Alam mo naman, hindi talaga maiiwasan iyon," aniya at nag paalam na siya nang tumapat na sa kanto nila ang jeep, agad kong natanaw ang asawa niya roon bitbit ang dalawang taong gulang na anak nila, napangiti na lang ako at kumaway sa dalawa.
Hay, kailan kaya ako magkakaroon ng masayang pamilya? Lord naman kung wala na talaga kaming pag-asa magkita ni Caden, sabihin niyo na lang or bigyan niyo ako ng sign para hindi na po ako umasa.
Pag uwi ko sa apartment, binalot agad ako ng lungkot. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit ayoko pang bumalik sa pagtuturo tiyak na sa pag sapit ng dapit hapon ay maiiwan akong mag-isa sa apat na sulok ng apartment na ito.Buti pa dati noong magkahati kami ni Maddy rito, hindi matapos ang mga daldalan namin tuwing gabi kahit na pagod na pagod kami, puro problema sa love life ang madalas naming topic kahit na rinding-rindi na ako sa mga hinaing niya. Pakiramdam ko kasi, I'm too old for love. Madalas niya akong inaasar na kesyo mapili raw ako, kesyo umaasa raw ako sa isang pangako na malabong mangyari, kesyo naghihintay daw ako sa wala. Well, ang masasabi ko lang, pinili ng puso ko ang hindi tumibok para sa ibang tao, wala na akong magagawa roon.
Pasado alas dose na ngunit hindi pa rin ako nakakatulog, ang dami-daming tumatakbo sa isip ko na tila ba puro na lang ka-wirduhan. Naalala ko noong kolehiyo, may naka-close kami ni Maddy, her name name is Lexi, irregular student siya kaya't bihira lang namin siya makasama pero masarap siyang kausap, madaldal siya at hindi siya nahihiyang ikwento ang sex life niya. Pakiramdam ko'y hindi na ako virgin sa tuwing nag uusap-usap kami tungkol sa bagay na iyon at dahil sadyang nakakakiliti ng imahinasyon, naunang mag pa impluwensya si Maddy. Hindi rin naman ako magtataka dahil sobrang in love na in love siya sa kanyang asawa ngayon, kaya't nauna ng isang taon ang kanilang baby. At syempre, ako? Ayun wala akong ma i-share sa kanila. All I can do is just sit and wonder things. Well, it was almost a decade ago at ngayon, itong si Lexi ay may lima ng anak.
I can't help sometimes... it's just that I feel so old enough not to experience those wonderful things, pero syempre hindi naman ako basta basta na lang pupunta sa isang bar at maghahanap ng makaka one night stand, that's the last thing I will do and I'd rather do it solo, with my internet, and my precious hands. Jeez. Ang tanging nagbibigay na lang ng pag-asa sakin na may happily-ever-after ay ang mga nobelang kinalolokohan ko. Adult romance novels are my favorite, the steamy bed scene that sends shivers to my body are just so hard to resist.
BINABASA MO ANG
A Night of Promise
RomanceOne hot night plus one playful promise. Kaye and Caden are childhood bestfriends pero sa kabila ng kanilang pagiging magkaibigan, naroon ang lihim na pagnanasa nila sa isa't-isa. One hot night when Caden was about to leave the town, he then ask a f...