Prolouge

24 0 0
                                    

"December 16 na bukas, sasama ka sakin bukas at magsisimba tayo, para naman mag bago na yang ugali mo." What?! No way! Hindi ako sasama no? Isa pa 3:00 am pa lang dapat gising ka na! Ayoko!

"No way! Ang aga kong magigising n'on! Masisira ang beauty rest ko---aray!" pinitik ni kuya ang noo ko! Kainis 'to.

"Sasama ka!" okay, nakakatakot na siya. Na pa-ayos ako ng upo at agad na tumango.

"Good." pagkatapos non ay lumabas na siya ng kwarto.

"Argh! Kainis!"

***

"Hoy! Gumising ka na nga diyan, magsisimba na tayo!" sigaw ni kuya.

Tamad akong tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Tuluyan na ngang nagising ang diwa ko ng mabasa ang katawan ko ng malamig na tubig.

"Ano yan? Walang make up, hayaan mong lumabas ang natural beauty mo, maganda ka kahit hindi ka magkabit niyan." suway sakin ni kuya ng makita niyang magkakabit ako ng kolorete sa mukha ko pero syempre joke lang 'yon, ayoko 'no! Hindi ako magkakabit non.

I smiled. Oh my precious brother hahaha.

"Okay. Fine. Tara na." saad ko at nauna ng lumabas ng kwarto ko.

Simpleng red dress lang pala ang suot ko, medyo hindi fit sa mga galawan ko. Boyish kasi talaga ako kaya naman lagi akong inaasar ng family ko na lesbi.

"Scarlet, magpalit ka na kaya? Mukha kang ewan eh haha." Ugh kaasar ka talaga kuya. Hindi ko siya pinansin at agad ng pumasok sa kotse.

Habang nag-da-drive ay nagpatugtog ako.

"Kahit na kahit pa kahit na, magmamahal kahit na kahit pa kahit na~"

***

Nakarating na din kami sa simbahan, okay, weird, nakatingin ang karamihan sa akin.

"Sabi na kasi sayo magpalit ka na eh yan tuloy mukha kang t*nga." kinurot ko sa tagiliran si kuya dahil sa pagmumura niya sa loob ng simbahan!

"Pigilan mo nga yang bibig mo." madiin kong sambit.

Mabuti na lang at may nahanap pa kaming upuan kaya naman hindi kami mangangawit mamaya.

Habang tumatagal ay dumadami ang tao. Isa sa mga dahilan kaya ayokong sumama kay kuya dahil ayoko sa  matataong lugar.

Malapit nang magsimula ang misa kaya naman nag linya na ang mga sakristan...and someone caught my attention.

"Hinay-hinay sa pagtitig, Scarlet. Baka mahulog ka diyan."

Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni kuya dahil hindi ko talaga maalis ang titig ko dito.

Napatingin din sakin ang gwapong sakristan at shet! Sobra yung hiya ko nang ngitian niya ako at the same time kinikilig!

Kaharutan mo Scarlet.

Nagsimula na nga ang misa and it went on smoothly.

Hanggang sa matapos ang misa ay hindi maalis sa isip ko si kuyang sakristan, hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon.

Kailan ka pa naging maharot Scarlet?

"Kuya, magsisimba ka pa ba bukas?" I ask out of nowhere.

"Hmm? Oo bakit?"

"Sama ako!" na-e-excite kong sabi.

Nagulat ako ng ngumisi ito. "Tsh. Gusto mo lang makita yung sakristan eh."

"Hindi kaya!" mukhang napalakas ang pagkakasabi ko dahil napatingin ang karamihan samin.

Binilisan ko ang paglalakad ko, dahil sa sobrang hiya ay nakayuko na lang ako nang may mabunggo ako.

Napaangat ang tingin ko sa nakabanggaan ko at ganon na lang ang pag awang ng labi ko ng nakita ko kung sino ito!

Si kuyang sakristan!

"Oh, I'm sorry miss." nakakamot ulong sambit nito.

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. Sh*t, help.

"U-Uh no, it's okay, sorry din, di ako tumitingin sa dinadaanan ko." it took all my courage to look at him just to met his beautiful perfectly black eyes.

Ngumiti siya ng pagka-gwapo-gwapo. "I'm Neil, and you are?"

"I'm Scarlet." inilahad niya ang kamay niya na malugod ko namang tinanggap.

Ang lambot ng kamay ah? Hihihi.

"Uhh, sige uhm uuwi na kami ng kuya ko." wika ko.

"Buti naman naalala mo na may kasama ka lil sis." natatawang sambit ni kuya na nasa likod ko na pala.

Pasimple ko itong sinamaan ng tingin. Bwisit makiramdam ka nga!

Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Neil.

Nginitian ko siya at nag-wave na, hinila ko si kuya paalis sa lugar na yon.

Ang gwapo niya sa suot niyang pang sakristan. Hooo nabuhayan ako hahaha.

"Ang harot mo." nakangiting asong sambit ni kuya ng makasakay kami ng kotse.

Sorry kuya hahaha.

My SakristanWhere stories live. Discover now