Chapter 2

8 0 0
                                    

AJ's POV~

Naalimpungatan ako nang mga five o'clock dahil siguro sa mabigat na bagay na nakapatong sa may bewang ko.

"Nagising ba kita?" Si kuya pala. Ang sweet talaga nito kahit kailan. Nakayakap sya sa akin.

Umiling ako bilang sagot. Hindi ko pa masyadong maimulat ang mata ko pero alam kong naka-boxer shorts lang sya. Sanay na ako dyan. Madalas kasi syang matulog sa kwarto ko pag natatakot ako. "Kakauwi mo lang?" Tanong ko.

"Medyo. Nakapag-shower na ako." Sagot nya naman.

Pumikit ako kasi hindi ko pa talaga kaya magmulat. Kinurot nya nang mahina yung ilong ko. Ngumiti ako sakanya pero nakapikit pa rin. "Uminom ka?" Tanong ko ulit.

"Hehe! Konti lang po." Pa-cute nyang sabi kasi alam nyang magagalit ako kasi ayokong nainom sya.

Sumimangot ako pero joke lang. Trip ko lang syang pagtripan ngayon.

"Ui! Sorry na po! Beh!" Mahinang sigaw nya kasi baka makabulabog sya, habang niyuyugyog ako nang konti.

"Uuhmmm." Makayugyog naman to. Alam na inaantok yung tao.

"Sorry na ha?" Niyakap nya ako sabay halik sa may ulo-nan ko. "Tulog ka na."

Lalo akong inantok dahil sa paghaplos nya sa buhok ko.

»»»

"Gooood Mooorniiing!!! Ting ting ting" Napamulat ako. Nakita ko sila kuya at Kyla na naghahahampas nang kung ano-ano.

"Good morning." Walang gana kong sabi.

"Kakain na tayo! Gutom na ako!"Sigaw ni Kyla.

Hindi pa rin ako bumabangon. Pumikit ulit ako. Nagulat ako nang may nagbuhat sa akin. Sino pa ba edi si kuya. "Bawal mag-skip ng breakfast ang prinsesa." Sabi nya habang bitbit ako at nakatawa.

"Woohhooo! Tayo ay kakain na!" Mukhang tanga si Kyla na nagsisisigaw.

Ibinaba na ako ni kuya sa dining.

"Beh. Ako na mag-aayos nung tungkol sa pangalan natin. Nasabi na sakin ni Kyla kung anong gagamitin mong pangalan." Kuya

"Gehgeh." Sabi ko sabay subo.

Mukha kaming mga gutom na gutom. Walang nagsasalita sa amin. Sunod sunod ang subo nang kanin.

Tapos na kami kumain. "Ako na mag-aayos nito at maghuhugas. Umupo na kayo sa living room." Sabi ni kuya at nagligpit na.

Pumunta na kami ni Kyla sa living room at umupo.

"Haay! May pasok na naman." Kyla

"Ok lang yan. Malapit na naman tayo grumaduate eh."

»»»

Shit! Kinakabahan ako. Naka-nerdy style na kasi ako eh and nasa tapat na ako nang Nicholas University. Pang apat na taon ko na dito ngayon lang ako kinabahan. Umurong na kaya ako sa deal. Hindi! Akin yung Porsche 918 Spyder. Fighting!

Naglalakad na ako sa may parking lot at may nakita akong cellphone dun. Stuart Hughes iPhone 4 Diamond Rose Edition. Waah! Ang alam ko $8 million to eh. Mas mahal to sa cp ko. Ang cp ko lang naman eh Goldstriker iPhone 3GS Supreme (yabang). Nagkakahalaga lang yun nang $3.2 million.

Tumingin tingin ako sa paligid kung may tao. May nakita akong lalaki na naglalakad palayo malapit lang sa place nung cp.

Nilapitan ko sya. "Excuse me." Sabi ko. Hindi ako pinansin. "Kuya." Di pa rin ako pinapansin. Kinalabit ko sya.

"What?" Cold na sabi nya pagkaharap sa akin. Ang gwapo nya. Singkit na kulay asul ang mata nya. Messy yung hair nya kaya lalo syang nakaka-attract. Ang ganda nang pagkakahubog nang katawan nya. Ang sarap nya titigan... I mean nakakalibang. Naptungo ang mata ko sa lips nya at shet! Bakit parang ang sarap halikan?

Lovin' ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon