"Ngayon, andito tayo sa z plaza kung saan gaganapin ang inyong pair combat. Magandang umaga, aking zoros students. " Anya ni sir Cleo bago bumaba sa stage at nagpunta sa mga nakahilirang mga klase-klaseng armas,espada, at iba pang kagamitan sa pakikipag laban.
"Lahat kayo ay pipili at kukuha kung ano ang gusto nyong kagamitan o sandata na gagamitin sa magiging laban ninyo ngayon. Nasa sa inyo yan kung kaya mo bang gamitin ang kagamitan na nais mong gamitin. Pumarito na kayo't kumuha na sa gusto ninyo. " dagdag nya at kumuha naman kami ng gusto naming armas
Lahat ng mga naritong mga kagamitan o sandata ay puro itim ang kulay, mga espada, palaso, dagger, arnis, at iba pa na hindi ko na alam ang mga pangalan. Pero habang minamasdan ko ang mga sandata , isa lang ang nagpukaw pansin sa akin. Hindi ito kalakihan, hindi rin maliit, sakto lang. Nahahalo dito ang kulay bughaw at itim, pero kung titignan mo ng maigi mapapansin mo ang bughaw na nananalaytay sa kabuohan ng sandata.
Kasing haba nito ang isang braso,simula sa kili-kili hanggang kamay. Kung sa iba mahaba, para sa'kin sakto lang.May kung anong meron dito na gusto ko kahit kulay itim palang ito at medyo kakaiba ang purma nito. Sinubukan na ng iba na kunin ito pero sa mukha pa lang nila, mukhang mabigat ito kaya nabibigatan sila, sinubukan ko na lang rin. Nilagay ko lahat ng lakas ko sa kamay baka kung saka-sakaling mabigat nga ito kung kukuhanin ko.
Anakang!
Tumba ako,literal na lagapak! Lahat sila napatingin at napatigil, nagpipigil ng tawa ang mga kingina! Peste! Kahiya!
"Tawa pa amp! Kainis kayo! Kung makaarte kayo kala ko ang bigat ni 'di n'yo nga maangat ng kunte, tas ngayon ang gaan? Talkshit kayo! " inis na anya ko kasabay ng pagtayo ko at pagkuha sa espada na natapon sa 'di kalayuan sakin.
"Eh? Pfft. Mabigat naman kasi talaga yan eh! Hehehe. Kaya ito na lang kinuha ko, magaan pa at bagay sa'kin no! "
"Listen! Lahat nang napili ninyong mga kagamitan o sandata ay nararamdam ninyo,may kung ano na ito ang magtuturo kung saan sa mga iyan ang nararapat para sa inyo. " anya sabay tingin sa mga bagay na dala-dala na namin. "Yan, yan ang magiging kaisa ninyo sa bawat pagsasanay hanggang sa totoong labanan na. " dagdag nya pa
"So, what we were holding right now, is yan ang gagamitin for our practices and upcoming fight? " Elie
"In-english mo lang eh! "
Minsan pinapahirapan niya ang sarili at laging ini-english para mas dama,tsk.
"That's exactly the point. Anyway, okay naba kayo sa mga sandata ninyo? Or do you want to change it? I'll give you all time. " Anya at umiling naman kaming lahat sa'kanya"okay then, now, let's start. The first pair is Akira Lissa Buenavista vs. Mark Lloyd dela Verde, second pair Elle Shain Chan vs. Kenjie Dapin , third pair Carissa dela Cruz vs. Aljhon Diaz , fourth Precious Kate Salvador vs. Mark Louie dela Verde, and after that I'll be your opponent before this day ends. Dave will be my pair, so get ready Dave. Everybody, get ready. Find your place, and good luck. " he said before turning back on us
"But, sir Cleo, sino ang magbabantay samin habang nag-aaway? I mean, you and Dave are opponent, so who? " I ask
"Ouh? Yeah, our Dean is here and she'll be the one para manood sa'tin. " and with that, umalis na siya.
What? Hala?
" Ano daw? Si Dean? "
" Wala siyang sinabi kahapon about sa pagpunta ni Dean dito ah? "
"Like wtf? Bakit naman kaya? "
"Baka—
"—let's go, the time is running. " sabay hila sa'kin kaya hindi ko na narinig ang huling sinabi nila.
Wala ba tong gentleman sa sarili? Putik!
"Aray! Ano ba! Masakit! " masakit ang pagkakahila niya sa'kin, kingina
Bat ba ako nagmumura? Hehehe trip lang
"Tsk! " Yun lang at binitawan na ako't nagpaunang maglakad
"Mama mo blue! Gago! Psh" at inis na naglakad pasunod sa kanya
"Huy! Saan ba tayo pupunta? Ha? Sakit sa paaaaa! " Sabi ko sabay upo sa nakausling ugat ng puno, malaki naman 'yon kaya pwede na maupuan.
"Malapit na! " sabay tigil at tumingin sa gawi ko, naramdaman n'ya ata ang pagtigil ko
"Stand up! " sabay talikod at umalis na naman
Sakit na nang para koooo!
"We're here! "
"Atlast! Waaahhhhhh. " sabay higa sa damuhan, ang sarap mahigaaaa
Pero teka? Ba't parang laging galit naman ito? Pagalit magsalita, psh
"Ba't nga pala, sa may batis tayo? " tanong ko
"Tss . Batis lang, walang tayo! " sabay talikod, napamaang naman ako sa isinagot nito sa'kin
"What the? " napabangon agad ako sa isinagot n'ya
Hindi na niya ako sinagot, but instead bigla na lang s'yang nag palabas ng flame na kamuntik na akong tamaan!
"Muntikan mo na akong tamaan ah! " sigaw ko habang umiilag kasi panay ang tapon niya ng kapangyarihan niya.
Mamamatay ako ng wala sa oras kapag nagkataon!
"Waaahhhhh, waittt. " sabay ilag ko, gumawa ako ng air barrier para gawing panangga sa binabato niyang flame
Nagtapon naman ako ng air balls sa gawi niya, pero ang bilis niya lang ilagan iyon.
De wow sa kanya
Muli naman s'yang nagtapon ng flame kasabay ng fire balls, pagkatapon na pagkatapon n'ya sa flame bigla niyang pinakawalan ang tatlong magkakasunod na fire balls sa tatlong direksyon na nasisiguro niyang doon ako pupunta para makaiwas sa atake niya.
Pero, nagkakamali sya kung gan'on. Sinangga ko ang flame n'ya bago ako nagpakawala ng air strikes papunta sa tatlong direksyon kung nasaan ang fire balls n'ya, pansamantala nitong napipigilan ang bilis ng fireballs nya at para naman sa'kin na makagawa ng panibagong pananggala. At naggagumpay naman ako sa naisip kong plano.
Binato ko sya ng air balls at natamaan naman sya sa bandang hita at braso. Dumudugo na iyon at masama na s'yang nakatingin sa akin. Hindi nya kasi nakita at hindi nya napaghandaan.
Paktay!
"Hehehe? "
"Tsk, let's get serious. Puro panangga at air balls lang ba ang kaya mo?! " may tuno ng panunuya ang boses nya
"Ay? Wow? Eh, nasugatan ka nga diba? Tss"
"That's because I'm trying to figure out your strength! Tss" sabay bato ng flame and this time, I got hit by it.
Shotang Ina, masakitttt
"Now, this time, show me what you've got! "
"Fine, meet my bubble strike, thats my common attacks and so as wavy waves. " I said as I throw to his direction the air blades. Luckily, nakailag sya. Lucky for him.
YOU ARE READING
Z Academy
FantasyHalina't maglakbay at sumama Patungo sa paaralan ng pantasya Kung saan pusod gubat ay iyong matatagpuan Mga kapangyarihan ay iyong masasaksihan At gulo'y mararanasan Basahin ang aking akda At emahinasyon ay paliparin Patungo sa'king sarling pantasya...