CCXXIV

1.8K 82 10
                                    


[iMessage]

Papa

November 17, 1:04 p.m.

pano kami magtitiwala sayo
umalis ka nga bigla sa bahay
di ka nagpaalam. ginusto mo yan diba?
Bahala ka sa buhay mo

Hindi niyo po ba talaga naintindihan yung sinabi ko noong kinausap ko pp kayo nung nakay mama nat tayo? Umalis po ako ng bahay kasi nahihirapan po ako dyan. Nahihirapan pa rin po ako ngayon kaya hindi ko po kayang bumalik. Akala ko po hindi ako makakapag-aral ngayong sem kasi galit kayo sakin dahil umalis ako. Nahihiya rin naman po ako sa ginawa ko. Hindi rin po ako proud dun.


1:06 p.m.

Pero thankful po ako na binayaran niyo po ni mama yung tuition ko kahit hiyang hiya po ako sa inyong dalawa. Thankful po ako sa inyo para sa maraming bagay. Pero hindi rin naman po ibig sabihin nun na okay na rin po lahat. Ang dami ko pong tinitiis sa bahay. Ayaw ko pong sabihin na isa yung treatment niyo dun, kaso ayun po yung totoo. Libre nga po akong nakatira dyan pero araw araw din po akong nauubos.


1:10 p.m.


Ayaw ko po tong sabihin sa inyo kasi papa ko pa rin naman po kayo. Pero hindi ko na po alam kung sa panong paraan ko pa po ipaparating na maiintindihan ninyo. Kaya dederetsuhin ko na lang din po. Kasi pagod na rin akong mag-isip at mag adjust tapos kayo ni minsan hindi niyo naman po kami sinubukang intindihin.

1:14 p.m.


Sa dorm po ako, hindi po ako nagpapaalam pero nagsasabi po ako para alam niyo po kung nasaan ako at na safe din ako. Ito po yung respeto ko sa inyo. Kasi kung wala po akong pakialam sa inyo ni mama, hindi po ako mag-aabalang magsabi.

1:16 p.m.

Masakit lang din po kasi na dun sa pagkukusang loob ko na sabihin yung desisyon ko, kung ano-ano na po inisip niyo sakin na parang hindi niyo po ako kilala.


1:18 p.m.

Ganito rin po ba trato sa inyo dati nila lolo?

1:21 p.m.

Sila rin po ba, maliit tiwala sa inyo para maging ganito rin po tingin niyo samin nila kuya at ate?

1:23 p.m.

Sila rin po ba mismo nangungunang mag-isip na mapapariwara kayo at walang mararating sa buhay? Kasi ang sakit sakit lang din po nung salita niyo sakin kanina. Tatay po kita mismo pero bakit ganun po iniisip niyo sakin?


1:25 p.m.

Buong buhay ko naman po sinunod ko kayo ni mama. Kailan po ba ako sumuway? Palagi po akong nagpapaalam ng tama sa inyo kahit minsan may mga huling pasabi ako. Kahit alam kong magagalit po kayo kapag mag eextend ako sa lakad or may biglang alis po ako, sinasabi ko pa rin po.  Sana po naisip niyo rin yun.

1:34 p.m.


Kung final na po yung last message niyo sakin kanina, okay po. Thank you po sa lahat. Nasabi ko na po lahat ng kailangan kong sabihin. Ingat po kayo palagi ni Mama.

If We Could Press Rewind (For the Record # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon