Chapter: 01 (BOYxGAY)

168 3 0
                                    

Sam POV

"Anong oras ka uuwi?" tanong ko sa kaibigan ko na si ella. kasama ko rin dito sa bahay.

"mamayang 10 pa." sagot niya sa kabilang linya.

"bakit 10? dapat 8 nan dito kana." sabi ko pa sa kanya. nasa bar kase siya ngayon kasama ang boyfriend niya saka yong pinsan ng boyfriend niya. hindi ko lang alam kong sino pa ang kasama nila.

"may pupuntahan kaba bukas?" tanong niya naman.

"meron po. maaga pa ako bukas dahil may photo shoot ako." sagot ko sa kanya. mag sasalita na sana siya ng mag salita ulit ako.

"saka maaga din ako matutulog kaya dapat 8 nan dito kana sa apartment." dugtong ko pa.

magkasama kase kami sa isang apartment. naghahati rin kami sa bayarin at share din kami sa pag bili ng pagkain namin. nasa second floor ang mga girls at sa first floor naman ang mga boys.

nakalimutan kong sabihin na gay pala ako. oo isa akong bakla pero hindi naman aakalain yon dahil hindi naman halatang bakla ako. may boobs ako at may mahabanh buhok na kulot ang dulo. maputi rin ang balat ko. sexy at maganda kaya maraming kalalakihan ang nag kakagusto sakin. pero ayoko pa mag boyfriend dahil wala pa yan sa plano ko. ang nasa isip ko ngayon ay ang makapag ipon at makapag padala ng pera sa magulang ko na nasa probinsiya. ako nalang kase ang inaasahan nila.

"edi dyan nalang kami mag iinom." biglang sabi naman ni ella. naka limutan ko na may kausap pa pala ako sa phone.

"ikaw ang bahala. basta mag paalam ka kay nanay susan." sabi ko naman sa kanya. si nanay susan ang may ari ng apartment na to. nanay na ang tawag namin sa kanya ni ella simula ng mag stay kami dito. alam niya rin na gay ako kase sinabi ko yon sa kanya.

"ikaw na mag paalam kay nanay susan. para sabihan mo agad ako kong pumayag si nanay o hindi." sabi niya naman. napataas kilay nalang at saka ngumuso.

"yong nguso mo hanggang dito na." natatawang sabi niya pa.

"ewan ko sayo." nasa ko nalang. narinig ko pa siyang tumawa kaya pinatay kuna ang linya.

lumabas na ako ng kwarto habang may balabal na naka pulupot sa katawan ko. naka sando nalang kase ako at short. mahirap na, puro pa naman mga kalalakihan ang nasa baba. may tindahan rin kase si nanay susan sa baba.

pagdating ko sa baba ay nag tuloy ako sa mau pinto ng tinadahan ni nanay susan saka ako kumatok. tumingin ito sakin saka ngumiti.

"mag papaalam po sana ako." sabi ko kay nanay.

"ano yon?" tanong niya.

"pwede po mag inom sa kwarto namin. nasa bar po kase si ella kasama ang boyfriend niya. sinabi ko po kase na matutulog ako ng maaga. kaya sinabi ko na umuwi ng maaga. pero po pinapatanong niya kong pwede raw po mag inom nalang don sa kwarto. kase---" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nag salita na si nanay susan.

"ayos lang iha. mas mabuti pa nga na don nalang mag inom sila ella sa kwarto niyo dahil para na rin may kasama ka." sabi naman ni nanay susan. ngumiti naman ako sa kanya saka nag pasalamat at nag paalam na rin.

nag text naman agad ako kay ella at sinabing pumayag si nanay susan. hindi naman siya nag reply kaya lumapit nalang ako sa may gate para hintayin sila. ilang saglit pa ay may biglang tumigil na tatlong motor sa harapan ko. saka isa-isa inalis anh helmet nila. una ko nakita si ella at justine. bali anim sila. si ella, justine at may apat pa na lalaki.

"akala ko kayong dalawa lang ni justine.?" tanong ko sa kanya. limapit naman siya sakin.

"gusto pa kase makipag inoman saka inaya pa ni justine na sumama." mahinang sabi naman ni ella sakin. tumingin naman sila sakin kaya ngumiti nalang ako ng pilit sa kanila.

MY POSSESSIVE BOYFRIEND (BOYxGAY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon