Sam POV
kinaumagahan nagising ng maaga. ang aga nga dahil medyo madilim pa sa labas. tumitig muna ako sa kesami bago bumangon at nag unat ng mga kamay at paa ko. tumayo na ako saka nag hubad ng saplot ko. kinuha ko ang twalya saka ko ito binalot sa katawan ko. lumabas na ako ng kwarto ko pero ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ang isang kaibigan ni justine na naka higa sa sofa na gawa na kawayan habang si rex ay naka higa naman sa lapag.
'bakit nan dito pa ang dalawang to?' tanong ko sa sarili ko. napatingin pa ako sa pinto ng kwarto ni ella. siguradong nan don rin sa loob si justine. napailing nalang ako sabay labas dahil nasa itaas pa ang paligoan. nakakainis nga bakit nasa taas pa, pero sabagay kong nasa loob pa ang banyo siguradong masakip na sa loob.
----
natapos ako maligo ay bumalik na agad ako sa loob dahil ang lamiiggg.. pag pasok ko nakita ko si lance na naka upo saka ito tumingin sakin. tiningnan ko lang din siya sabay lakad papunta sa loob ng kwarto ko.
"akala mo naman maaakit mo ako." rinig ko'ng sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"sino ka naman para akitin ko.!" mataray na sabi ko naman sa kanya sabay irap. hindi kuna siya hinintay na mag salita pa saka ako pumasok sa kwarto ko sabay lock ng pinto.
ang kapal ng mukha. kala mo kong sino. saka bakit ko naman siya aakitin. aaminin ko na gwapo siya pero hindi ko siya type. mas gusto ko pa si migs kesa sa kanya. makapag bihis nalang nga.
pakatapos ko mag bihis ay nag ayos na ako. nag lagay din ako ng kunting make up at liptint. inayos ang buhok at nag lagay ng kunting pabango. kinuha kuna ang bag ko sabay tingin sa relo na suot ko. alas sais na pala. tumingin pa ako sa salamin saka ako lumabas sa kwarto. nakita ko naman ang apat na nag kakape sa maliit namin na mesa. napatingin pa sila sakin.
"almusal ka muna bago umalis." sabi sakin ni ella.
"hindi na. don na ako kakain." sabi ko naman sa kanya. uminom lang ako ng tubig.
"gusto mo ihatid na kita.?" tanong ni rex.
"hindi na. may mag hahatid naman sakin." sagot ko kay rex.
"maiwan kuna kayo dyan." paalam ko sa kanila.
lumabas na ako ng kwarto saka ako nag tuloy sa baba sakto pag labas ko sa gate ay dumating naman agad si tj kasama ang boyfriend niya.
"sakto lang ang pag labas mo." sabi ni tj sakin. nag paalam na ako kay nanay susan saka ako sumakay sa kotse ni jeff (jowa ni tj)
"anong oras tapos ng shoot mo.?" tanong ni tj sakin.
"8 yata. ang alam ko kase isang oras lang naman ang shoot ko." sagot ko naman sa kanya.
"hintayin ka nalang namin ni tj. sabay kana samin kumain." sabi naman ni jeff.
"wag na baka may date pa kayong dalawa, maistorbo ko pa kayo." sabi ko naman sa kanya.
"eh san ka pupunta pakatapos ng shoot mo.?" tanonh sakin ni tj.
"edi uuwi nalang." sagot ko naman sa kanya.
"hatid ka nalang namin. tawagan mo ako pag tapos kana saka mga 12 sundoin ka namin inom tayo sa condo namin." sabi pa ni tj.
"sige. may kwento rin ako sayo mamaya." sagot ko naman.
nakarating na kami sa resort nila tj. nag beso muna ako kay tj bago bumaba ng kotse.
"tawag ka ah." pahabol pa niya. tumango ako saka ako nag pasalamat. saka sila umalis.
"ang aga natin ah." salubong sakin ni mae kasama ko sa shoot.
BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOYFRIEND (BOYxGAY)
Roman d'amourisang gay na hindi pa naranasan magkaboyfriend at isang lalaki na ayaw sa isang gay ang pagtatagpuin ng tadhana. tunghayan ang kwento ni LANCE at SAM na siguradong kakikiligan, at paiibigin kayo sa kanilang kwento. "MY POSSESSIVE BOYFRIEND" paalala...