Bestfriend o Boyfriend?

169 16 19
                                    

Bestfriend ko nga ba sya o boyfriend?


Sya si Axel, ang aking bestfriend. Bestfriend ko since childhood.


Pero kung maka-asta kami ay parang magsyota.


For example, nung gusto kong gantihan yung ex ko dahil sa panloloko nya sakin ay pinakitaan namin sya by acting that kami ni Axel ay magsyota pero ''acting'' nga lang iyon.


Hindi ko naman alam na magkakagusto ako sa kanya.


Eh graduation pa namin ngayon-- college graduation- to be exact.


"Axel, anong gagawin mo pagkatapos ng araw na 'to?" katabi ko sya ngayon. Dito sa may bench, mamaya pa mags-start ang graduation ceremony.


"Maghahanap ng tra--"


"Pero diba ikaw na ang susunod sa pwesto ng daddy mo sa kompanya? Kaya bakit ka pa maghahanap ng trabaho?" sabat ko. Eh sya nga ang magiging CEO pag graduate na sya.


Well, bagay naman sya para sa isang CEO. Magwapo, mabango, mabait sometimes mabangis, matalino, creative, gentleman oh asan ka pa diba?


"Ehh, edi ako ang next CEO kung ganoon, wala namang problema doon eh. Basta ba't lagi kang pupunta sa office ko para lagi akong active." sabi nya sabay wink.


Tinignan ko ang paligid kung anjan ba ang ex ko at nag-aacting lang 'tong si Axel! Pero wala naman sya eh!


"Loko ka talaga! Halika na nga. Mags-start na yung ceremony." hinila ko na ang kamay nya para maki-line sa ibang students.


Nang sya na yung mags-speech, bigla nya akong tiningnan at nginitian. Tumibok naman ng mabilis ang puso ko. Siguro nerbyos lang 'to promise!


"I would like to thank this school for enhancing my skills and intelligence. Especially that I met the woman who is deserving for me."


Napasinghap ang iba at ang iba naman ay nakikilig na para bang sila yung 'the one'. Eh mukha namang silang Anabelle sa kapal ng mga make up nila.


"The girl whom I love from the very first. The girl who I think of every hour. The girl who I care. I know na kakabreak lang nila ng ex nya and that was my chance to grab her. To own her. " hindi ko alam kung ako ba 'yung tinutukoy nya o iba. Kasi may ex nga ako diba at nagpanggap pa kami.


Pero sino kaya 'yung babaeng yun?


"I love you, Mika Dela Cruz." dang! ako yun!


---


Pagkatapos ng graduation ay nagkakanchawan yung ibang students dahil sakin at si ako naman ay hinahanap si Axel.

Bestfriend or Boyfriend?  [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon