"10 months." Bulong ko. "Happy 2nd year and 10th monthsary, sana." Usal ko habang nakatingin lamang ako sa cellphone kong panay ang tunog ng alarm clock. Pinatay ko ang alarm na nagsasabing ngayong araw na ito ang 10th monthsary naming dalawa.
November 12, 2014. Binalewala ko na lamang ang mga bagay na iniisip ko at napagpasyahang bumangon na upang makapaghanda para sa eskwela.
"Huy, Seth! Happy supposed to be 2nd year and 10th monthsary sa inyo ni Caiden!" Bungad na pangaasar sa akin ni Avery. Tingnan mo itong babaeng ito. Tuwing 12th of the month ay iyan ang ipinangaasar niya sa akin.
"Thank you Avery Kadence, ha." Sarkastikong sagot ko sa kanya, ngunit ngumiti din ako ng nakakaloko ng makita kong lukot ang mukha niya.
"Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na Avery lang? Para mo naman akong minumura niyan, sa tuwing tinatawag mo ako sa second name ko!" Daing ni Avery. "Ang ganda nga ng name mo eh, Avery Kadence." Pagpapatuloy ko sa pangaasar. Lalong nalukot ang maaliwalas niyang mukha sa sinabi ko. Eh, totoo naman hindi ba?
"Palibhasa yung sa'yo maganda eh! Seth, as in, Seraphina Thea." Bumuntong hininga siya bago magpatuloy sa pagsasalita. "Pangalang lalaki man ang Seth ay mapagtiya-tiyagaan naman." Pagpapatuloy niya. "Ay basta! Avery lang ang itawag mo! Wag mo ng ipilit yung Kadence!" Asik niya at tila napangiwi pa siya ng banggitin niya ang second name niya. Tumawa ako bago sumagot muli.
"Eh di, wag mo na din ipilit yung sa amin ni Caiden. 6 months na ang nakalipas matapos kaming magkahiwalay. Tapos na yun, malayo-layo na ako. Kaya kung pwede naman, wag mo ng ipilit yung pagbati mo sa akin ng happy monthsary tuwing 12th of the month." Tuloy tuloy kong sabi.
"Ang bitter mo parin kay Caiden, Seth." Asar niya ulit at tumawa pa bago kami ma-upo. "Hindi rin. Okay na nga ako. Naka-move on na ako sa nangyari sa amin. Tanggap ko na at malapit na ako sa destinasyon ko, Avery." Sagot ko sa kaibigan ko.
"Okay. Ay, kaklase pala natin siya sa Political Science at ngayon iyon. Ibig sabihin, makikita mo siya sa unang period mo tuwing Monday, Wednesday at Friday." Pagsasaad ni Avery.
Napalingon ako bigla sa pwesto niya nang ma-realize ko kung ano ang sinasabi niya. "Ha? Paano mo nalaman?" Naguguluhang tanong ko. "Nag-tweet siya kahapon. Ang sabi niya sa tweet niya ay Politics & Governance, CA1D, MWF 8:30-10:30."
Kinabahan ako sa nalaman ko. Ibig sabihin ay magkikita kami ng tatlong beses sa isang linggo? "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Oh, akala ko ba malayo-layo ka na?" Nakakalokong tanong sakin ni Avery.
Nagiwas ako ng tingin bago sumagot. "Oo nga, wala naman akong sinasabi ah?" Depensa ko sa kanya. "Okay." Huling sagot niya bago ituon ang atensyon sa cellphone niya.
"CA1D, good morning. I am Mr. James Lacson, and I will be you professor here in ZPS 111 - Politics and Governance (With Philippine Constitution). Call me Sir James para hindi masyadong pormal na katulad sa Mr. Lacson." Pagpapakilala ni Sir sa klase.
"Okay, since today is our first meeting, I want you, class, to introduce yourself so that I can know each of your names. Let us start with you, Miss." Turo niya kay Leezle.
Pumunta si Sir James sa likod habang ang mga nagpapakilala naman ay sa harap naka tayo. Sunud-sunod na nagpakilala ang mga kaklase namin hanggang sa kami na ni Avery ang susunod. Tumayo na ako sa harap at nagsimula ng magpakilala.
"Good day, everyone. I am Seraphina Thea Fernandez, Seth nalang para hindi masyadong mahaba."
Ngumiti ako sa kanila bago magpatuloy ngunit napatigil ako ng magsalita si Sir James. "I prefer Thea, mas lady-like pakinggan." Sabi ni Sir at ngumiti. "Go on, Ms. Fernandez."
BINABASA MO ANG
Almost
Short StoryI thought I'm over you. I was almost over you. But I'm not. I can't.