Maling Pagibig </3

190 3 0
                                    

Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na at nabig ka. Basahin mo ito Para sayo! :)

                       Maling Pagibig sa tamang pagkakataon

May awit akong narinig, ganito ang tema

Bakit ngayon lang dumating, ikaw na sana

Kung malaya lang siya, ipagsisigawan pa

Ang kanyang minamahal, na kanyang sinta.

Minsan tayo’y nailing, bakit ganito

May mga pag-ibig, na nakatutuliro

Akala mo’y siya na, biglang magugulo

Ang buhay na nais, ngayon ay gumuguho.

Di  masamang umibig, ito’y para sa lahat

Walang tayong pinipili, dahil tayo’y tapat

Puso’y tumitibok, wala siyang sinisipat

Hindi ba’t may kasabihang, pag-ibig ay bulag.

Kakalungkot isipin, na mayroong mga kwento

Mga maling pag-ibig, na nararanasan tayo

Pare-parehong umiibig, ating mga puso

Pero ang nangyayari’y, pagdurusa sa dulo.

Anu nga bang hangad, upang tayo’y mabuhay?

Hindi ba’t kaligayahan, at hindi ang lumbay?

Konting amot ng pag-ibig, ng bawat isa’y taglay

Mayroong nangangakong, hanggang sa hukay.

Naranasan mo na ba, na ikaw ay umibig?

Pag-ibig na mali, lubhang nakatitigatig

Anu nga bang nais, anung iyong ibig?

Iyo bang ipagpapatuloy, upang ito’y lumawig?

May mali bang pag-ibig, sa tamang pagkakataon?

Hindi ba’t kaligayahan lamang, ang hiling noon

Kailangan pa bang itama, kung masaya ka na doon

Saan ka lulugar, kung sa sarili mo’y ipinagkakait iyon.

Kayrami ng reserbasyon, at ibang iniiisip

Sasabihin ng iba, sa relasyong sinasambit

Sa kanila’y paghahatol, di kaya’y panggigipit

Sa kaligayahang inaasam, ng pusong umaawit.

Hindi ba’t kaysarap, kaysarap ng malaya

Pwede kang umibig, umibig ng tama

Nasa iyo ang desisyon, desisyong magtutugma

Sa inaasam mong pag-ibig, pag-ibig na dakila.

Pero anung magagawa, kung ngayon muling tumibok?

Puso mong sawi, dinaanan ng bangungot

Dating dapang dapa, naghahanap ng sagot

Upang magkaroon ng kulay, buhay mong lugmok.

Mali man na matatawag, pero ikaw ay masaya

Wala ka ng pakialam, sa sinasabi ng iba

Dahil muling pag-ibig na hangad, ay heto na

Ikaw ay  buong buo, handa ng magsimula.

Mali nga na masasabi, pag-ibig mo ngayon

Pero ito’y di mo gusto, dahil sa tamang pagkakataon

Kasiyahang dulot sa ‘yo, sa puso’y naghihilom

Kaligayahang dulot, sa dibdib ay bumabaon.

Sensya na! Alam kung panget, HAHA! xD

Senti mode tayo pre. Pagtiyagaan na lang :)

SALAMAT!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maling Pagibig &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon