Prologue

12 4 6
                                    

Ang napakalamig na ihip ng hangin ang namutawi at naghari sa paligid...

Ang mga punong kahoy ay tila sumasayaw at sinasabayan ang maalinsangang panahon na syang unti-unting bumuo at humubog sa di maipaliwanag na takot sa aking dibdib.

Natahimik ang mga kuliglig at nasiliparan ang iba't ibang klase ng ibon dulot ng bayolenteng paghampas ng malakas na hangin.

Ang mga natatarantang sigawan ng mga hayop na lumilikas at malakas na tunog ng ihip ng hangin ang mas lalong nagpa-ingay sa paligid.

Takot ang namutawi sa aking dibdib. Palingon lingon ako sa aking likuran. Ramdam kong may nakamasid saakin sa bawat sulok ng paligid.

Ngunit wala akong nakitang mga pares ng mata na nakamasid. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang iba't ibang mga halaman at punong-kahoy na nakahelera.

Ramdam ko ang panganib, ramdam ko ang tensyon, ang kaba, ang kakaibang pakiramdam. Ang pakiramdam na parang sa kahit na anong pagkakataon sa mga oras na ito ay magpapakita na ang delubyong aking tinatakasan.

Magpapakita na ang mga ito o mas madaling sabihing.......

Sya......

Bagamat hingal na hingal na at nanunuyo na ang aking lalamunan, pinilit ko paring ilagay sa aking lalamunan ang mga natitira kong enerhiya at naghanda para sa malakas  na pa
pagsigaw na aking pakakawalan.

“Ina!!!!” pagtawag ko sa kanya.

Walang sumagot.

Tanging ang mas lalong paglakas lamang ng ihip ng malamig na hangin ang natanggap kong tugon. Binalot ng makapal na hamog ang paligid.

Ang mga tuhod ko ay nagsimulang manginig at ang paa ko ay puno ng mga galos at sugat. Isa na lamang ang natira sa dalawang pares na tsinelas na aking suot kanina lang.

Ang mas lalong pagiging bayolente ng hangin ang mas nagpalakas ng pagririgon ng aking dibdib at mas lalong nagpa-usbong ng matinding kaba at takot na namamahay sa buo kong sistema.

Naglakas loob ulit akong sumigaw at tawagin sya sa mas malakas na timbre.

“Inaaaaaa!!!!” napahinto ako ng isigaw ko iyon dahil kailangan kong tibayan ang aking stamina. Lumitaw din ang mga ugat sa aking leeg at noo dahil sa lakas ng sigaw na iyon.

Inilibot ko ang aking panigin sa paligid at nagmasid. Sinubukan kong pakalmahin ang aking buong sistema at nakiramdam.

Binuksan ko ang aking diwa at pumikit upang damhin ang paligid hanggang sa may narinig akong munting kaloskos sa matataas na talahib ng mga damo....

Ang pusod ng malaking gubat na aking tinatahak...

Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa sa parteng iyon. Hanggang ang dahan-dahan ay pabilis ng pabilis na tila ba sinasabayan ng aking mga paa ang unti-unting pagbayolente ng hangin.

Hanggang ang mabilis na paglalakad ay napunta sa matulin na pagtakbo. Ramdam ko ang kirot ng aking mga paa dahil sa mga matutulis na bato na aking naaapakan ngunit hindi ko ito inalintana sa halip ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

Walang pag-aalinlangan kong hinawi ang mga nagtataasang talahib at sinuong ang mga makakating dahon na halos kasing tangkad ko.

Patuloy parin ako sa pagtakbo. Walang humpay. Walang katapusang pagtakbo. Napapansin kong unti-unti nang lumiliit ang mga talahib. Nagpapahiwatig na malapit ko nang maabot ang dulo ng gubat.

Walang humpay akong tumatakbo sa abot ng aking makakaya.

Hanggat umiihip pa ang hangin ay hindi ako nawawalan ng pag-asa sapagkat alam ko na buhay pa sya sa mga oras na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whispers In The Wind {Warrior Series #1} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon