MAFIA'S LOVE SERIES 1 :
COMPLETED | BL | RATED 18 | MPREG
AKIRO R. SANCHAVEZ | KHIAN CHU SANCHAVEZ
SYNOPSIS :
Makakabangon ka pa ba sa masalimuot mong nakaraan kung saan nakita mo ang Asawa mong minahal mo ng buo na may kasamang babae sa kanyang co...
Pagkapihit ko ng pintuan palabas ay nanduduon parin ang babaeng gusto wasakin ng pagmamahalan namin ni Khian. Pero malas lang niya dahil mahal na mahal ako ng asawa ko.
"Akiro.." sabi ng babae saakin. Pilit niyang hawakan ako pero mabilis ko siyang iniwasan hanggang sa nakapasok na ako sa kotse ko at pina-andar papuntang ekuwelahan.
Pagkarating ko ay naghitay ako ng mga ilang minuto sa loob ng kotse hanggang sa tumunog na yung bell na nagsasabing uwian na ng mga bata. Kaya lumabas na ako sa loob at naghintay sa gilid nitong sasakyan ko.
Maya-maya pa ay nakita ko na ang anak ko. Ng tatawagin ko na sana ay nakita kong may batang babaeng lumapit sakaniya kaya naghintay muna ako habang tinatanaw ang dalawang bata na alam kong ang babaeng bata nato ay may gusto sa anak ko.
"Ambilis naman mag binata ng anak ko." Sabi ko habang tuwa tuwa sa nakikita ko ngayon.
Nakita kong merong ibinigay na sobre ang batang babae sa anak ko pero hindi niya ito pinansin. Niliko-liko niya ang paligid hanggang sa nakita niya ako ay sumilay ang kanyang malaking ngiti saakin.
"Daddy!" Sigaw nito. Pagkatapos ay tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa nakarating sa kinaroroonan ko.
Bumaba ako sa level ng height ng anak ko at binigyan ito ng mahigpit na yakap.
"Son, who's that girl you're talking to?" Tanong ko sa anak ko na may ngisi sa labi. Kumunot ang nuo nito at tumingin muna siya sa batang babae at saakin.
"A girl that likes me........ But I don't like her!" Sagot nito sa tanong ko.
"Why not? She's pretty." Sabi ko. Pero bahagyang mas kumunot ang nuo nito sa sinabi ko.
"Ewww, ang pangit niya." Sagot ng anak ko. "Pangit?....... Ok naman ah?"Sabi ko nung tinignan ko ulit ang babaeng bata na sinabihan niyang pangit daw.
"Dad, just so you know, I'm like Mimi. I like boys not Girls, duhh!" Sabi ng anak ko sabay inikutan niya ako ng mata at pumasok sa kotse.
Sumunod ako sa kotse at nakita ko sa rear mirror ko na naka kunot parin ng nuo ang mukha ng anak ko. "Patay, parang galit ata ang anak ko saakin." Sabi ko saaking isipan.
"Sorry na anak. Hindi alam ni Daddy. Promise, hindi na kita gaganyanin ulit." Pag hingi ko ng tawad sa anak ko. At hindi naman ako nabigo dahil sumilay ang ngiti sa labi nito.
"Ok!" Sabi nito sabay kuha ng Nintendo nito sa bag niya.
Pagkarating namin sa mansion ay hindi ko na nakita ang babaeng yon. Pero nandudon ang batang lalaki na pilit pinagtutulak na anak ko ng babaeng yon.
"Daddy..." Sabi ng bata pagka kita saakin. At nakita ko rin na bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa roon si Khian na may dala dalang pagkain.
Pero imbis na pansinin ko yung bata ay nilampasan ko ito at agad na nagtungo ni Khian at siya'y hinalikan. At pagkatapos sinundan rin ni Iro ng halik sa pisnge ng mimi niya.
"Daddy, who's that kid?" Sabi ng anak kong si Iro sa batang nakatingin saamin. Kita ko sa mga mata ng bata ang luha na papalabas sa kaniyang mata ng lapitan ito ni Khian at niyakap.
"Shh, shhh, shh, Wag kang iiyak baby ha. Wag kang iiyak." Pagpapatahan ni Khian rito.
Pumunta din si Baby Iro sa kinaroroonan ni Khian at tinignan ng maigi ang batang yakap yakap ni Khian.
"Hoy! Aagawin mo ba ang Mimi at Daddy ko ha!" Sabi ng anak ko habang naka X ang mga braso nito.
Hindi umimik ang bata at mas sinub-sob pa nito ang mukha sa asawa ko. Like, paano to naging anak ko ehh ang layo layo nito sa mukha ko. Totoo nga ang sabi ni Khian saakin na hindi ko talaga kamukha. Pero familiar ang hugis nito. Parang nakita ko na at kapag pinipilit ko iyon ay kumukulo ang dugo ko ng walang alam kung anong ping kukuluan nito. "Baka dahil anak itong bata nato sa babaeng yon..... Baka...."
"Akiro! Hali kanga dito!" Sabi ni Khian saakin at dali-dali akong lumapit sakaniya.
"Kunin mo nga si Iro at pumunta tayo sa loob. Ang ginaw dito." Dadag niyang sabi tiyaka pumasok sa loob habang ang maid na kanina pang nakasunod sa asawa ko ay karga2x ang bata.
Sinunod ko ang inutos nito at pumasok sa loob habang karga si Baby Iro sa bisig ko.
Tinapik ako ng anak ko at siya'y ibinaba sa pagkakabit-bit ko sakaniya. At siya'y tumungo sa kinaroroonan ng batang nakatayo na nakahubad habang pinupunasan ng malinis na tualya ng asawa ko.
Kitang kita ko ang height difference ng anak ko at ang bata. Dahil mas matangkad pa ito kesa kay baby Iro.
"Your so taller than me! Hmp!" Sabi ni Baby Iro tiyaka nag walk out patungo sa Sala.
Matutuwa na sana ako sa inasta ng anak ko ng nakita ko kung paano tinignan ng batang to ang anak ko papaalis at may nararamdaman akong hindi ko gusto....
Eto naba yung sinasabi nila na Father's instincts? Na malalaman mong may lalaking gustong kumuha sa nagiisa mong anak? Well hindi na pala nag iisa dahil may paparating pa pero, ganun na din yon!
"Hohoho! No can do boii!! Hindi kadali yon! "
Nalaman yata ng bata na tinititigan ko siya kaya nung nagtama ang mga mata namin ay agad ko itong tinignan ng masama. Grrr!
Khian's PoV :
Habang pinupunasan ko ang batang to ay biglang nanginig nalang bigla, o sa madaling salita ay naging estatua?
Sinundan ko kung nasaan ang bata naka tingin at na sagip ko si Akiro na tinititigan ito ng masama ang bata.
"Ano nanaman ang problena neto?" Sabi ko saking isipan.
"Akiro, ano nanaman ang ginagawa mo diyan sa bata. Halika ka nga dito at tumulong!" Galit kong sabi.
Alam kong anak to sa babaeng bruha pero walang kasalanan ang bata. At yung babaeng impokretang yon na iniwan lang tong batang to na parang tuta. Hay nako po!
Ibinigay ko ang tualya sa kamay ni Akiro at siya na ang nagpatuloy sa pag pupunas sa bata. Pero kita ko parin kung paano tinignan ni Akiro ang batang ito. At hindi sa galit ng babaeng yun kundi kakaiba ito?.......
Itutuloy...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.