How it ends

23 1 0
                                    

It all starts because of fear.
-

Naaalala ko pa nung una kitang nakita, napakaganda ng ngiti mo noon at hindi ko alam kung bakit. Akala ko nga ay baliw ka dahil nag-iisa ka lang doon at nakangiti, pero nung tinitigan kita, naisip ko, hindi naman pala masamang ngumiti lalo na kung kasing ganda ng sayo.

Naaalala ko pa nga noong nagkabungguan tayo, nakakatawa man ang first meeting natin dahil masyadong common pero wala, ganyan talaga. Nagkatinginan tayo nun at naglapat ang ating mga braso, yung pakiramdam ko noon? Wala. Wala akong naramdaman at doon ako nagsigmulang mag-isip, Siguro, dahil nalaman ko na may girlfriend ka pala.

Naaalala ko pa noon kung gaano ka kadeterminadong maging kaibigan ko. Kung dati ay halos mabaliw ako kakaisip tungkol sa ngiti mo, pero dumating nung mga panahong sinusuyo mo ko, nawala ang lahat ng pagkabaliw ko sa mga nagsisigandahang ngiti mo. Parang tanga lang ano, nasaktan kasi ako lalo na't alam kong napapalapit ako sayo, naisip ko, hindi pwede, bawal akong masaktan ng dahil lang sayo kaya pinagtulakan kita papalayo.

Naaalala ko pa kung paano ka umiyak sa harap ko habang nakaluhod, hindi ko alam pero nakaramdam rin ako ng lungkot. Natatandaan ko ang sinabi mo sa akin noon kung bakit ka umiyak ng ganoon sa harap ko, hindi mo nakayanan ang pakikipaghiwalay sayo ng girlfriend mo at wala kang matakbuhan. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sipain ka nun, pero baliktad ang ginawa ko, imbis na saktan ka niyakap kita, pinatahan, pinaramdam na hindi ka nag-iisa, Hindi lang akong mukhang tanga, tanga talaga.

Naaalala ko pa noon na akala nila tayo na. Sobrang close nga naman natin, sinong hindi makakaisip na may relasyon tayo? Hindi mo alam kung gaano ako umasa noon, na sana tayo na lang. Pero sa tingin ko? Bestfriend lang naman habol mo.

Naaalala ko pa noong itinakbo ka sa ospital, sobrang higpit ng hawak mo na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo, pero wala lahat ng bagay may hangganan, kaya nung malapit ka ng ipasok sa loob ay nagkusa kang bumitaw. Nasaktan ako noon dahil binigyan ko ng malalim na meaning ang ginawa mo, pero hindi ko alam yun na pala ang huli.

Yun na pala ang huling araw mo bilang bestfriend ko.

Natatandaan ko pa ang eksakto mong sinabi sa akin para matapos ang pagkakaibigan natin.

"Narealize ko na konti lang pala ang oras ng tao, hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mabubuhay."

Umiyak ako nun ng umiyak pero agad ring tumigil dahil sa sunod mong sinabi. Tama ako, tapos na ang pagkakaibigan natin.

Naalala ko kung paano mo hingin ang mga kamay ko sa magulang ko, naalala ko kung paano mo ako pinasaya.

Hindi tumigil ang pag-agos ng luha ko habang ikaw, nagcoconfess sa akin, sa harap ng mga magulang natin, mga kaibigan natin.

Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak nun habang sinasagot ka ng matamis na oo. Sobrang saya natin noong mga araw na yun.

Pero dumating tayo sa puntong nagkakalabuan na tayo.

Natatandaan ko pa ang sinabi mo sa akin "Paano mo naggawa ito sa akin?" Sa oras na iyon ay nakaramdam ako ng kagustuhang mamatay, pero wala akong ibang ginawa kundi humingi ng paumanhin.

"Sorry. Sorry. Sorry. Sorry."

Niloko kita, ginago kita, oo, ang isang babaeng kagaya ko ay ginago ang isang lalaking tapat kung magmahal at pinagsisisihan ko iyon.

Naaalala ko pa kung paano ka naging kadesperado, naalala ko pa ang tanong mo na ngayon ay may maibibigay na akong kasagutan.

"Magkakaayos pa ba tayo?" Sinasabi mo iyon habang naglalakad sa akin palayo, dun ako naggising sa realidad, Mahal pa nga kita ang tanga ko naman para hindi ka habulin, naisip ko kasi na ipagpabukas na lang pero nang dahil sa desisyong iyon... Nawala na ang lahat.

Naalala ko pa ang pag-ugong ng masamang balita sa school, kung paano nila ipagkalat ang pagkamatay mo, kung paano nila nakakayanang ngumiti pa kahit na alam nila na namatay ang pinakamamahal ko.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano ka naglaslas, kung paano ka maubusan ng dugo at kung paano ka magmakaawa sa harap ko sa huling pagkakataon, pero ang daya mo dahil hindi mo ko binigyan ng tyansa para makapagsalita. Hinawakan mo ang mukha ko at hinalikan sa labi, muli naramdaman kita.

Paano ko malilimutan ang araw na yun, kung nandoon ako mismo sa harapan mo bago ka mawalan ng malay? Ang tanga ko dahil hindi agad kita sinugod sa ospital, ang tanga ko.

Naandito ako ngayon kung saan ka inilibing, mahal na mahal pa rin kita at hindi ko malilimutan ang sobrang pagmamahal na ibinigay mo sa akin.

Hanggang ngayon naaalala pa rin kita, naaalala ka parin ng puso ko. Davien. Mahal na mahal kita at walang makakapag alis sayo sa puso ko.

"Naaalala ko pa... kung paano mo sabihing mahal mo ko bago mo ko iwan."

A Not so typical one shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon