"Nakalimutan mo yung birthday ko?" that was the question I wanted to ask him kanina kaso umurong lahat ng salita at letra na pwede kong mailabas.
Nanatili akong nakaupo sa pinakadulo ng bus, medyo mabilis pero ayos na siguro kung normal na araw to baka maisip ko pang icall out yung driver na baka papunta na kami sa langit sa sobrang bilis niyang magpatakbo.
But this is not the day, birthday ko nga pero hindi ko naman maisip na birthday nga. This is why I hate relationships, masyadong kumplekado, masyadong magulo, kapag may problema damay lahat pati araw mo sira.
"Ikaw palagi ang nagsasabi sa amin na don't settle for less but look at you right now, you did settle for less— nasaan na yung kaibigan namin na magagalit kapag hindi kami na trato ng tama?" minasahe ni Lisa ang kanyang noo na para bang pagod na pagod na siya sa akin.
Kung alam niya lang kung gaano ako nahihiya ngayon, kasi tama nga siya ako nga iyong naggaalit kapag hindi sila natratrato ng tama and look at me right now. Pinipilit na busy siya? Kasi nakalimutan lang niya? Wlaa ba siyang kahit limang minuto para sulatan ako ng letter?
Nanahimik ako sa aking kinauupuan at pilit nag-iisip ng mga posibleng dahilan kung bakit nararamdaman kong may mali, nararamdaman kong hindi naman talaga totoo iyong nararamdaman niya sa akin.
"Nakita mo ba kung paano ka namin tratuhin tapos magsettle ka sa taong ganyan? Hindi man lang makaramdam? Like bakit kailangan mo pa siyang iorient kung paano ka mahalin —worst tratuhin?"
Yumuko ako bago magsalita "Kasi para alam na niya?" that's bullshit
"Bullshit!" yeah I know, alam ko naman pero bakit ko pa siya pinagtatanggol sa sarili ko mismo?
Gnaun ko ba siya kagusto para itolerate lahat ng mga ginagawa niya? Akala ko dati madali lang—iyon bang sasabihin mo sa mga kabigan mong tama na mukha na silang tanga na hindi naman sila mahal nung tao.
Pero mahirap pala kapag ikaw na mismo yung nandun sa sitwasyon? Nakakatanga pala talaga, kahit ikaw mismo hindi mo alam ang gagawin kasi nga baka pwede pa.
Baka magbabago pa
Ilang chances ba ang naibibigay ng mga babae para matuto?
BINABASA MO ANG
As the Sun Sets
Teen FictionAno ang mas matimbang pamilya o ang taong mahal mo? Paaano kung binigyan ka ng tadhana ng isang sitwasyon na wala kang ibang choice kundi ang lumayo? Papakawalan mo ba ang love na minsan lang dumaan? Katulad ng ibang babae ay nangarap rin si Coco s...