"Kung bago ka lang sa channel ko, subscribe na!"
Bago ibinaba ni Julia ang camera, isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya para sa kanyang mga manonood. Isa siyang vlogger. Ngunit hindi masyadong sikat, bagama't masaya siya kahit konti lang ang sumusuporta sa kanyang kasiyahan.
"Done filming?"
"Yup."
"Maya ko na pabonggahin yang video mo, tapusin ko muna tong mga activities ko. Bukas na deadline eh."
"No, probz ghurl." Nakangiting sagot niya sabay thumbs up sa ka-board mate niyang si Lycha, ang swerte nga niya dito, kase naman, ka partner in crime na niya ang dalaga, editor pa niya ang bruha. Parehong college student at iisang unibersidad lamang ang pinapasukan ngunit magkaiba ang landas na tinatahak nilang dalawa. Engineering ang kursong kinukuha nito samantalang siya ay BSED(Bachelor of Secondary Education major in Science). Pero sa totoo lang, Engineering din ang first choice niya noon kaso bigla siyang umatras, baka kase d kayanin ng utak niya.
"Ahhhh~"
Tumayo siya mula sa kinauupuan at pumunta sa kusina para maghanap ng makakain. Isang pirasong pizza at coke ang nakita niya. Kinuha niya ang mga yon at pumuwesto sa lamesa.
Ting!
Napatingin si Julia sa kanyang aparato.
May message! Sino kaya 'to?
Binuksan niya iyon at agad na binasa.
Ma'am, good afternoon. Andito napo ako sa labas ng apartment mo. Pakikuha po ng parcel nyo. Salamat.
Napatigil siya sa pagnguya. Shit! Oo nga 'no. Ggu, wala akong pambayad. Naku, anong gagawin ko? Ay wait! Uutang muna ako sa bruha hahahaha.
Wait lng po, kuya:> Mabilis na reply niya saka dali-daling tinakbo ang kwarto para istorbohin si Lycha.
"Marz, pahiram ₱400. Bayaran kita sa Friday."
"Luh 'Di ba kakakuha mo lang ng allowance mo?"
"Oo, 2k. Pero binili ko ng sapatos kahapon, ganda kase eh hehe," sabay kamot sa batok. "500 na lang natira sa wallet ko, pagbinayad ko 'to, wala na, tigok na."
"Hayssss, ewan ko talaga sayo. Oh, eto na oh. Layas na."
Inabot niya ang pera.
"Arigathanks~" Masaya siyang lumarga at pinagbuksan ng pinto ang delivery boy. Agad siyang nagbayad at nagpirma para makuha ang inorder niya. Pagkatapos bumalik siya sa pwesto niya kanina at excited na binuksan ang kahon.
Shesshhhhh~
Kumislap ang mga mata ni Julia sa pagkamangha nang mahawakan niya ang pinagbabawal na bagay.
Ang Ouija board...
YOU ARE READING
OUIJA
Horror[WISH] Hindi lahat ng panalangin ay natutupad! [DON'T BREATH] Tahimik, andyan na siya! [ESCAPE] Hangga't may tatakbuhan, tumakbo ka! Ngunit matatakasan mo kaya si kamatayan? Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa maputlang labi ng isang misteryosong nila...