Chapter 2: Revelation

11 1 0
                                    

DONNIE's POV

F*ck! Bakit ko nagawa 'yun? Hindi ko napigilan ang sarili ko dun.

damn! Hindi pa rin mawala sa isipan ko...

The way she looked at me.. it's as if she also like me. Also. Yeah. May gusto ako sa kanya. Matagal na. Hindi lang talaga ako nagkalakas ng loob na umamin sa kanya. 

Sana kung magkita kami dito sa school, hindi siya mailang sa 'kin. Magso-sorry na lang ako sa kanya mamaya.

~~DISMISSAL Time~~~

Hinintay ko siya sa gate ng school. Ang tagal naman lumabas ng babaeng 'yun! Siya na lang yata ang naiwan sa loob ng campus eh...

Magdadalawang oras na akong naghihintay dito. Paano kaya ako magso-sorry?

"Ah Zaf, sorry nga pala kanina ha. Bati na tayo... ahck, ang drama naman nun.."

"Hey Zaf, whatya think? Bakla pa rin ba tingin mo sa'ken?....... ang hangin ko naman pakinggan.."

Habang busy ako sa pag-iisip kung paano ko siya kakausapin, siya na pala ang dumaan sa harap ko...

"Z-Zaf!" -tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon. Patuloy pa rin siya sa paglalakad kasama si Apple.

"Zaf, teka lang!" -hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya

"Ano bang kailangan mo ha?" -inis na tiningnan niya ako

"Pwede ba tayong mag-usap? Tayo lang dalawa?"

"Sure. Sige na mag-usap na kayo! Go!" -sagot ni Apple. Nakita kong kinurot siya ni Zaf..

"Ah kasi.. may exams pa kami bukas. Kailangan kong umuwi ng maaga. Hindi pa kasi ako nakapag-aral eh.." -diretso niyang sagot sa akin

"wala naman tayong exams bukas ah!" -Apple

"Meron nga. Sinabi kaaya ni M'am Batausa kanina." -Zaf

"Hindi nga. Wala siyang sinabi." -Apple

3 minutes ganyan lang ang pinag-usapan nila...

Bigla akong sumingit sa kanilang dalawa..

"Zaf, 5 minutes lang please. May gusto lang talaga akong sabihin sa'yo."

"Sige na girl. 5 minutes lang daw oh. Gora na!" -Apple

Parang nag-iisip pa siya at nag-alinlangang sumagot..

"Sige na nga." 

Sa wakas! pumayag rin.. ;)

Pumunta kami sa may park malapit sa school. Medyo gumagabi na rin..

"Ahm.. Ano kasi Zaf.. ano.. ahm..." bakit ba ako nauutal ngayon? Potcha naman oh!

"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin? Bilisan mo nga! May gagawin pa kasi akong mas importante dito eh." -inis niyang sabi

"Gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ko kanina. Hindi ko rin 'yun inaasahan. Nadala lang ako sa emosyon ko kanina. Sorry talaga." -yumuko ako

"Sorry? ganun lang 'yun? Ang dali sabihin ng sorry kasing walang nawala sa'yo. Alam mo ba? First ko 'yun! At hindi ko ito nagawa kasama ang lalaking mahal ko.."

 -nagsimula nang mangilid ang luha sa mga mata niya..

"Uy teka. 'Wag kang umiyak. Alam kong hindi sapat ang sorry sa ginawa ko pero sana mapatawad mo ako. Kinamumuhi-an mo siguro ako ngayon pero gusto kong malaman mo na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko kanina. Matagal ko nang gustong gawin 'yun sa'yo."

Bigla siyang tumingin sa akin na parang naguguluhan..

"H-Hoy manyak mo ah! 'Wag mo nga akong pinag---"

"Tumigil ka muna sa pagsasalita. Makinig ka muna sa akin. Kahit ngayon lang please. May ipagtatapat ako sa'yo." -putol ko sa sinabi niya

Tumahimik naman siya kaagad..

"Zaf, may gusto talaga ako sa'yo noon pa. Matagal na akong nagpapansin sa'yo pero kahit anu-ano na ang ginawa ko, hindi mo talaga ako napapansin eh. Napansin mo ba na clubmates tayo sa taekwondo noon? Hindi 'di ba? Lahat atang nasalihan mong clubs, nasalihan ko rin. Ibang tao  kasi ang nakakakuha ng atensyon mo. Kaya kanina nung makita kitang tumatawa kasama si Apple, tinawag ko ang atensyon mo. I grabbed the opportunity na makausap kang mag-isa sa office kanina. Ikaw kasi... tinawag mo akong bakla. Ayun tuloy, 'di ko na napigilan sarili ko. Nahalikan tuloy kita ng walang paalam." -sabay kamot ko sa batok ko.

Nahihiya talaga ako eh. .

"Hindi ka ba magsasalita diyan Zaf?.. oy.. ok ka lang ba?"

Hindi pa rin siya nagsasalita. May nasabi ba akong mali sa kanya? Ano ba naman 'to? Did I mess this up again? haaayyy....

"Totoo ba lahat ng sinabi mo ha?" -tanong niya sa 'kin

"Oo naman. Maglalakas loob ba akong sabihin  sa'yo lahat kung 'di yun totoo?"

"Hindi ka ba talaga bakla sir?"

'Yan na naman siya sa bakla baklang tanong niya sa 'ken.. hahay. Tigas ng ulo ng babaeng 'to! Ba't ba ako nagkagusto dito?

"Hindi nga sabi 'di ba? May gusto ako sa'yo. Bakla ba ang nagkakagusto sa isang babae?" -hirap naman magpaintindi dito

"Bakit?" -nakayukong tanong niya saken

"Huh? anong bakit?" -naguguluhan ako sa kanya

"Bakit ka nagkagusto saken? Ang dami namang iba diyan, bakit ako?"

"Kailangan pa bang may rason?" -inangat ko ang ulo niya at tiningnan siya sa mata. "Ang alam ko lang nung unang beses kitang makita, alam ko sa sarili ko na ikaw na."

Nagkatitigan kami ng matagal. Parang pino-process pa ng utak niya ang mga sinabi ko..

Habang nag-iisip siya, tiningnan kong mabuti ang maamo niyang mukha..

At sa pangalawang pagkakataon, hindi ko napaigilan ang sarili ko..

Hinalikan ko siya..... ULIT... nga walang permiso......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not A CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon