CH 20; Meeting Abby's Friend

83 0 0
                                    

Jaziel's POV;
'Di porket kapatid siya ng may-ari ay ganun na siya tch...

"Ms. Dizon hindi ko gusto ang ginawa niyo kanina kay Sir. Jake." Sabi ni Ms. Sarah napansin ko na galit siya.

May pangalan pala yung golden retriever na yun.. Akala ko kasi wala.

"Mali naman po kasi ang ginawa niya Ms. Sarah, 'di porket kapatid po siya ng may-ari ay hahayaan niyo siya na mag siga sigaan dito sa cafe." Seryosong paliwanag ko.

"Mag extend ka dito ng two hours, sige na balik na sa trabaho." Ms. Sarah said then she walk out.

Nakaka inis naman.. Bakit kasi sumulpot pa yung golden retriever na yun?

Akala ko walang kapatid si Ma'am Erica yun pala meron. Pero.. Ang layo ng ugali nila kasi si Ma'am Erica mabait habang yung golden retriever na yun ang sama ng ugali. 

Lilinisin ko na sana yung table na nasa harapan ko ng biglang sumulpot si Mina kasama si Ann. 

"Oh bakit parang bad trip ka ata huh?" Tanong sa akin ni Mina. 

"Mamaya sasabihin ko sa inyo.. Mabuti pa ma upo na muna kayo dito at hintayin niyo si Abby." Sabi ko sa dalawa kong kaibigan. 

"Eh ikaw? Diba pa end na yung sift mo.. Mag eextend ka pa ba?" Ann ask. 

"Si Ms. Sarah sinabihan ako na extend daw ako ng two hours, kaya mamaya na tayo mag usap huh?" Paliwanag ko.

"Grabe naman yang manager niyo.. Gusto mo ba kausapin namin huh?" Seryosong tanong ni Mina.

"Mina okay lang noh.. Tsaka tumahimik ka nalang diyan kasi baka marinig ka ng Manager namin baka mamaya pagalitan na naman ako." Seryosong sabi ko.

"Oo na tatahimik na ako." I said.

"Mag order nalang tayo Ann." Yaya ni Mina kay Ann.

"Okay sige." Ann said habang naka ngiti pa siya.

Dali dali kong nilinis yung table nila Mina.

Jake's POV;
"Narinig niyo ba yung sinabi ng siga na babae na yun ah?" Inis na tanong ko kina Ethan habang naka tingin at naka turo ako sa nag lilinis ng table.

"Well first of all Dude may karapatan siyang magalit dahil sumingit ka sa pila and second of all may patakaran talaga dito na no cutting the lines." Paliwanag ni Ethan.

"Tama.. Lagot ka na naman kay Ate Erica kapag nalaman niya yung ginawa mo kanina. Baka pag balik nun sipain ka niya papuntang mars." Tugon ni Riki habang naka ngiti pa siya.

"Hindi na ako takot sa Ate ko noh." Seryosong sabi ko.

"Wag mo na uulitin yun nakaka hiya yung nangyari kanina eh." William sassily said.

Instead na pakinggan ko si William tinawag ko bigla yung amazona na naka away ko kanina, bigla naman siyang lumapit sa amin.

Ang sama nga ng tingin niya pag ka lapit sa akin.

"Ano po ang ipag lilingkod ko sa inyo KAMAHALAN?"

"Palitan mo yung drinks namin at bigyan mo kami ng chocolate cake." Utos ko.

Tumingin siya sa akin at nag smirk. "Sige po Kamahalan."

Dali dali siyang umalis napansin ko naman na naka ngiti yung tatlo kong kasama.

"Ano po ang ipag lilingkod ko sa inyo KAMAHALAN?" Naka ngiting tugon ni Riki.

"Shut up Riki." Seryosong sabi ko.

"Mukhang kaya ka niyang awayin Jake, ang tapang eh." Ethan said.

"Oo nga parang si Ate Erica lang." Riki said while smiling.

"Pustahan tayo hindi siya tatagal dito." Mayabang na tugon ko.

"Ang sama mo." Benjamin said.

Back To Jaziel's POV;
Nakaka inis talaga pag mumukha niya.. Bakit ngayong araw pa talaga Lord?

Kakatapos ko lang ibigay yung mga milk tea na inorder ulit ni Jake tsaka binigyan ko din sila ng chocolate cake.

"Jaziel tawag ka ng table 4" Sabi ng co worker ko na si Shiela.

"Okay Shiela salamat." I said while smiling. 

Agad akong lumabas sa Staff Room then nag tungo ako agad sa Table 4.

Pag ka kita ko kay Abby bigla ko siyang niyakap. 

"Abby buti at dumating ka na." Masayang tugon ko. 

"Oo nga eh.. Sorry na tagalan paano ba naman kasi traffic pa punta dito sa Everlasting Cafe." Paliwanag sa akin ni Abby. 

"Okay lang Abby noh." I said habang naka ngiti ako. 

"Girls before tayo mag usap usap ipapa kilala ko pala sa inyo ang dalawa kong kasama." Abby said habang naka ngiti pa siya.

"This is Anna and this is Saddie." Masayang sabi ni Abby habang naka turo siya sa mga kaibigan niya.

"Hello sa inyo." Sabay na bati nila.

"Hello din sa inyo ako nga pala si Jaziel Dizon." Naka ngiting sabi ko.

"Hi ako naman ang cute friend nila Mina Kazuka is my name." Sabi ni Mina habang nag papa cute pa.

"Hi sa inyo Saddie and Anna.. Ako nga pala si Ann Reyes ang anime lover sa group namin." Naka ngiting sabi ni Ann.

"Ann and Anna mag ka lapit naman ng pangalan natin ang galing haha... Teka.. Sila Ethan yun ah." Sabi nung Anna habang naka turo doon sa table 2.

"Kilala mo sila?" Tanong ko.

"Oo naman mga kaibigan namin sila." Naka ngiting sagot ni Anna.

Kaibigan nila.. So ibig sabihin pati yung golden retriever na yun ay kaibigan nila..

"Bakit may problema ba Jaziel?" Tanong sa akin ni Abby.

"Uh.. Wala.. Okay lang ako.. Guys maya nalang tayo mag usap usap need ko pa kasi ayusin yung table 6." I said.

"Okay balik ka lang dito." Sabi sa akin ni Mina.

"Okay po Mina Kazuka." I said then pumunta na ako agad sa Table 6.

After two hours ay bumalik na ako kina Mina.

"Jaziel bakit ang tagal mo naman bumalik huh?" Tanong sa akin ni Mina.

"Sorry naman Mina.. Need ko lang naman kasi tapusin yung duty ko baka kasi pagalitan na naman ako ni Manager Sarah." Paliwanag ko.

Napansin ko na ang lungkot ni Anna. Ano kaya nangyari sa kanya?

"Uhm.. Anna bakit ka malungkot diyan? May nangyari ba?" Curious na tanong ko.

"Hindi kasi ako pinansin ng kaibigan namin basta basta lang sila umalis." Malungkot na sagot ni Anna.

"Baka kasi busy lang yung mga yun lalo na si Ethan kaya hindi ka niya pinansin." Sabi ni Saddie kay Anna.

"Anna kausapin mo nalang si Ethan bukas doon sa school." Sabi naman ni Abby kay Anna.

"Sige na nga.. Anyways gusto niyo ba mag Festival Mall?" Ani Anna habang naka ngiti pa siya.

"Sige total tapos naman na ako sa duty ko." Masayang sabi ko.

"Okay let's go na." Yaya ni Mina.

Dali dali kaming umalis sa Everlasting Cafe.

Lazo Academy.Where stories live. Discover now