CHAPTER ONE

15 0 0
                                    

"Sigurado ka ba sa desisyon mong 'yan, Gil?" tanong saakin ni Kuya, nasabi ko kasi sakanyang kapareho ng degree niya ang gusto kong kuning course at mukhang wala pa itong tiwala saakin.

"Kuya, I'm always sure about my decisions and I want to be like you. I want also to serve our nation." sagot ko, napahilamos na lamang ito sa aking nasabi,mukhang wala ng choice pa.

Growing up, I used to admire my older brother. Lumaki akong siya lang palagi ang nakakasama ko, kaya noong nag college na siya at kailangan na niyang mag boarding house ay hindi ko na siya palaging nakakasama, lalong-lalo na noong pinasok niya ang mundo ng kapulisan but the bond we had never change. Ganoon parin naman kami sa tuwing umuuwi ito sa bahay.

"Gil, don't be like me. Make your own name, wag gaya-gaya" pagbibiro pa nito, ginulo pa ang buhok kong kakasuklay ko lang.

Napairap na lamang ako sakanya dahil palagi na lamang niyang ginagawa iyon, every day-off niya ay hindi siya pumapalya sa pang-aasar saakin. Kahit pa on duty siya at nakita ako sa labas, mang-aasar parin ito.

"Bahala ka, basta support kita palagi sa desisyon mo ha? Andito lang ang Kuya" yan ang palagi niyang sinasabi saakin, hindi naman siya pumapalya doon dahil palagi naman siyang nakasuporta saakin sa mga bagay na gusto kong gawin.

My phone vibrated so I had to check it baka kasi importante, it was a message from my best friend, Riel. May last practice daw kami ngayong araw para sa Graduation bukas, nakakalungkot nga dahil may duty na si Kuya bukas sana lang ay makasaglit siya sa school katulad ng pangako niya. 

Hinatid ako nito sa school kung saan gaganapin ang practice at sinabi pa nitong tawagan ko siya pagkatapos.

I came to my friends nang makita ko sila, nagchichikahan nanaman ang mga ito na akala mo naman ay wala ng bukas. Nilibot ko ang paningin upang hanapin si Yule, ang lalaking matagal ko ng nagugustuhan pero of course hindi ko inaamin dahil ayokong mareject at mas lalong ayokong masira ang pagkakaibigang eron kami. We used to be good bestfriends at ayokong masira yun ng dahil sa gagawin kong pag-amin, kung kinakailangang itago ko nalang ito ay gagawin ko.

Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko silang magkasama si Gwen, isa ko pang kaibigan. Naglalakad ang mga ito papunta sa kinaroroonan namin. Umiwas nalang ako ng tingin dahil ayoko ng mas masaktan pa. If only I had the courage to confess to him back then and I wasn't afraid of rejection, baka ako sana yung kasa-kasama niya ngayon. Baka ako sana ang nakasama niya noong ball, at hindi ang kaibigan ko.

We were best friends, kaya kahit masakit kailangan ko parin silang kausapin at isantabi ang sarili kong nararamdaman. Kailangan ko silang pakisamahan without thinking about how I feel. That's life, pinili kong itago eh o di magdusa din ako ng palihim.

Pero siguro, kung hindi kami naglaro ng truth or dare noon, sana ako parin ang madalas kasama ni Yule at hindi si Gwen.

The day of Graduation came, we take selfies together, we laughed and cried. Alam kong magkakaibang mundo na ang tatahakin namin after this day, ang iba ay sa ibang school na ipagpapatuloy ang pag-aaral nila, ang iba naman ay pipiliing tumigil muna para mag-ipon at ang iba'y makakalimot at magbabago.

Entering college life wasn't that easy for me , it's hard but I'm so glad I made it here. Second year college na ako ngayon sa kursong BS Crimminology, just like what I've said to Kuya Gio before na susundan ko ang mga yapak niya. Magiging katulad niya ako, pangako yan.

Hindi nawala ang komunikasyon namin ng iba kong kaibigan, ang iba'y nanatili parin sa kabila ng busy na schedules at ang iba naman ay hindi na nagawang magparamdam pa kaya nagpapasalamat ako sa mga kaibigang nanatili parin.

My communication with Yule never stopped, mas lumalim pa yung pagkakaibigang meron kami and the feelings as well pero syempre hindi ko parin magawang umamin. Nalaman ko nalang one day na wala na pala sila ng kaibigan naming si Gwen, sa kadahilanang na fall out of love daw ang babae, may ganoong klaseng pagmamahal pala no? Yung bigla nalang mawawala, na isang araw paggising mo wala ka ng nararamdaman para sa taong 'yon, na hindi mo na siya mahal katulad ng pagmamahal mo sakanya noong una. I don't want that kind of love, nakakatakot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Promise of YesterdayWhere stories live. Discover now