Prologue

9 0 0
                                    


"Walang gagalaw! Kung hindi papasabugin ko ang bungo ng batang ito!" Sigaw ng holdaper at itinutok ang kanyang baril sa ulo ng isang batang babae na may edad na 7 taong gulang siya ngayon ay umiiyak na.

"Wag! Wag ang anak ko! Wag niyo siyang sasaktan." Sigaw ng ina ng bata. Pumunta lamang sila sa isang pawnshop upang tubusin ang kwintas nito na isinanla nila noon.

"Tumahimik kang babae ka! Kung hindi ikaw ang babarilin ko!" Sigaw pabalik ng holdaper sakanya atsaka inutusan ang mga kasamahan niya upang kunin ang mga alahas. Napatingin naman ang ina ng bata sa security guard na noo'y duguan na at walang malay.

"Panginoon ko, iligtas niyo po kami sa kapahamakan. Wag po ang anak ko. Masyado pa po siyang bata para mawala sa mundong ito. Kung kukunin niyo lamang siya ngayon ay mas mabuting ako na lamang po. Wag lang po ang anak ko." Taimtim na dasal niya habang umiiyak. Tumingin siya sa kanyang paligid, umiiyak lahat ng tao. Takot na takot sila.

"Kung tapos na iyan ay tayo na, baka dumating ang mga pulis!!" Sigaw ulit ng holdaper sakanyang mga kasama. Hila hila parin nito ang bata.

"Teka! Ang anak ko! Saan niyo siya dadalhin? Bitawan niyo ang anak ko!" Tumakbo ang ina ng bata sa leader ng mga holdaper at pilit na hinihila ang maliliit na kamay ng kanyang anak.

"Alam mo ale, masyado kang madada! Alam mo bang ayoko sa mga ganyang tao? Ang mas bagay sayo mawala kana!"

*BANG*

Napahiga ang duguang katawan ng babae. Tumawa naman ng parang demenyo ang mga holdaper at lumabas na ng pawnshop. Iniwan din nila ang bata.

"Nanay! Nanay gumising ka! Nanay! Wag mo akong iiwan." Kumaripas ng takbo ang bata atsaka niyakap ang bangkay ng kanyang ina. Idinampi niya ang kanyang maliit na palad sa mukha ng kanyang ina at walang sawang umiyak.

----------------------------------------

A/N: Hello guys! Sorry kung lame ang prologue, wala po kasi akong maisip eh. Btw, Hindi po ako masyadong magaling gumawa ng story, kaya expect niyo pong madaming typos and wrong spellings or grammars man yan haha. Yun lang guys, sana magustuhan niyo. Bye bye!

-- Alikashi28 :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Casanova BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon