Panimula

5 0 0
                                    

Malalim na ang gabi at tanging mga kuliglig na lamang ang maririnig kasabay ng minsanang pagtunog ng mga dahon ng puno dahil sa sariwang hangin.

Sumilip ako sa labas ng aking tent. Nang mapansin kong tahimik na ang paligid at tulog na ang aking mga kasama, nagpasya akong lumabas upang magtungo sa lihim na tagpuan.

Sinuot ko muna ang aking itim na talukbong, kumuha ng sulo at saka dahan dahang lumabas. Iniiwasan kong gumawa ng kahit ano mang maliit na ingay upang hindi magising ang iba. Gumagawa ng tunog ang bawat pagtapak ko sa mga tuyong dahon kaya kinakabahan akong mahuli.

Nang makalayo na sa aming campsite, gumaan na ang aking dibdib. Lalo na nang makita ko na ang aking mga kasamahang naglalakad habang nakayuko at nakasuot din ng mga itim na talukbong habang may hawak na mga sulo. Agad akong nagtungo sa pinakadulong pila at saka sumabay patungo sa aming destinasyon.

Huminto kami sa isang lugar na napaliligiran ng malalaking paikot na pahabang bato. Lahat kami ay pumunta sa gitna at pinalibutan ang mga nakaipong sanga. Sabay-sabay naming nilagay ang aming mga sulo upang gumawa ng malaking apoy.

Nag-upuan na ang lahat palibot ngunit ako ang natirang nakatayo. Kumpleto na ang lahat. Dahan-dahan nilang binaba ang kanilang mga talukbong at namukhaan ko agad ang karamihan.


"Maraming salamat sa pagpunta, mga kaibigan." Ngumisi muna ako at saka ibinaba ang talukbong.

"Siguraduhin niyo lamang na hindi kayo nasundan dahil papatawan kayo ng malubhang parusa katulad na lamang ng pagsunog sa naglalagablab na apoy!" Itinaas ko ang aking dalawang kamay sa hangin at humalakhak na parang isang kontrabida.

Dinarama ko pa ang aking sinabi nang bigla akong putulin ng aking isang kasamahan.

"Gago ka talaga, Maria Mahalia Lakambini! Mukhang masyado ka atang napasarap sa kahibangan mo." Wika ng isa kong kaibigan na si Freya at sabaya-sabay na silang nagtawanan.

Kinabahan ako sa lakas ng tawa nila kaya dali-dali ko namang nilagay ang hintuturo ko sa aking labi upang tumahimik sila.

"Ano ba kayo, minsan na nga lang, ayaw niyo pa 'ko pagbigyan." Kunwaring malungkot kong wika at saka sumalampak na paupo sa troso.

"Hoy, anong minsan? Lagi ka na lang namumuhay diyan sa imahinasyon mo. Magsimula ka na kayang magkwento?" Ayaw talaga paawat nito, oh. Napanguso muna ako bago magsimula magkwento.

Oo, mali kayo ng inaakala. Hindi kami isang kulto. Talagang trip lang namin magdala ng mga sulo at talukbong para naman ganap na ganap sa vibe diba? Tsaka tuwing may pa-camping ang eskuwelahan namin taon-taon, lagi kaming nagtutungo sa lugar na ito, na tinuring na rin naming sikretong tagpuan upang magbahagi ng mga nakakatakot na kwento.

Maraming mga sumali ngayong taon at iilan na lamang kaming mga grade 11 students dito. Oo, patanda na nang patanda ang lola niyo. Bilang pag-welcome sa mga bagong dating, ako muna ang magku-kwento.

"Ehem, ehem.. sisiguraduhin kong hindi niyo makakalimutan ang gabing ito." Hahalakhal na sana ulit ako nang mala-Maleficent nang mapansin kong masama na ang tingin nila sa'kin.

"Oo na, mainit naman agad ang ulo niyo." Napakamot ako sa pisngi at saka nagsimulang magkwento.

"Madilim ang gabi. Ang mga tao'y tulog na bukod kay kapitan at sa kaniyang mga alagad. " 

Lahat at tahimik at seryoso sa pakikinig. Tanging ningas lamang ng apoy ang maririnig at ang mga tunog ng kuliglig.

"Ang sabi ng alagad, "Kapitan, kapitan, magkwento ka naman.."




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Disastro Where stories live. Discover now