You Stupid Losers -

21 5 0
                                    


1 message recieved

From: Aimee
0946707****

Yea. On the way na rin ako! Asan ka?

I took a deep breathe as I replied.

Dito :-D dalian mo may surprise ako!

Lumingon ako ulit sa bulletin board kung saan nakapaskil yung result nang Examination.


Qualifying Examination for the Incoming 2nd Year in the College of Education

Bachelor of Secondary Education major in English

1. San Andres, Miguel
2. Barba, Mersel
3. Tarala, Jessica
4. Bornel,Elyssa Joan
5. Serrano, Aimee
6. Mariscal, Ella
7. Ignacio, Jen
8. Dela Piña, Marines
9.
10.
..
..
..


Failed the Qualifying Examination for the incoming 2nd Year.

Napa Ts nalang ako habang tinitignan yung result. Hindi to maganda. Bulong ko sa sarili ko.

Nahihiya ako kasi ang isang Ella Mariscal hindi nakapasa.

Oyy pasado ka?

Oo. Ikaw?

Narinig kong paguusap nung katabi ko. Nanatili yung mga pekeng ngiti sa labi ko kasi ayokong isipin nang mga tao na mahina ako. Na bobo ako!

Hoy! Nagulat ako nung may sumundot sa tagiliran ko.

M-mers? Mersel?! Gusto kong iiwas si Mersel na makita yung result kaso karapatan nya yun.

;-(

Nakita ko syang nalungkot. Ibang iba sa mukang nakita ko kanina nung dumating sya.

Hindi tayo p-pumasa Mers. Bulong ko sa kanya. Sabay naming tinignan ulit yung result.

Ako din. Napalingon kami sa likod. Nakita namin si Aimee na nakatingala sa pangalan nya.

Inakbayan ko nalang si Aimee.

Naglakad kami papalayo sa mga matatalinong taong nandoon sa Bulletin Board.

Itext mo na sila Elyssa tsaka Tarala sabihin mo nandito na tayo. Sabi ni Aimee saakin.

Hindi na yata kelangan. Tumingin kami kay Mersel na nakangusong tinuro sila Elyssa na papalapit saamin.

Ts. Malamang alam na nila.
Bulong ko.

O? Ba't ganyan ang muka mo? Wag ka ngang magbusangot dyan. Binatukan ni Aimee si Tarala.

Naupo kami sa grass. Kanya kanyang pwesto. Kanya kanyang moment. May nag tetext, internet, nag wawattpad, nag sasoundtrip. At ako? Wala pinagmamasdan ko lang sila lahat. Ngayon ko lang sila nakitang ganyan.

Si Elyssa Joan Bornel a.k.a Tatat ang Teacher Blood anak nang Terror -Anak nang pinaka sadistang teacher sa University. Mataas na ang tres na marka nang tatay nya. Kaya kadalasan nagdadrop sila kapag may subject sa tatay nya. Nakakaawa nga minsan kasi nadadamay si Elyssa sa revenge nang mga estudyante sa tatay nya. Katalud nalang nung 2nd Year High School namin:

*Sa Garment's subject

75? P-pero ma'am b-bakit? Gumawa naman ako nang projects ah. Nagsubmit on time. Tsaka wala naman po akong naaalalang nag absent ako sa shop natin.

Ms. Bornel, I don't need to explain. I just want you to feel what I feel nung binagsak nang tatay mo ang anak ko noon sa Shop Lay-out nya. I am sorry but I guess you deserve it.

Best BitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon