*Sa College of Education
Okay gurls, listen. No matter what happens kelangan nating tanggapin kung ano ang magiging reaction nang lahat nang tao sa loob. We are going to beg para magcontinue pa tayo sa Education. I give my best shot sa kanila hoping na sana wag silang mawalan nang pag-asa.
*Inhale *Exhale
*Breathe in *Breathe Out
Okay. Here we go.
I was about to open the door nang bigla naman itong bumukas.
Yes?
D-dean? Ewan ko ba. Para akong nalalamon ng lupa. Natatae ako, naninikip ang dibdib, di ko maigalaw ang mga paa ko. Sila kaya? Lumingon naman ako para tignan ang mga kaibigan ko ng biglang...
JESSICA! Tulong t-tulungan nyo kame. Hoy! Gumising ka nga. Ano kaba naman? Hindi to magandang biro aa. Gumising ka naman! Pinagsasasampal namin sya. Binuhusan ng malamig na tubig at pinahiga sa loob ng opisina ng Dean.
Nakakahiya talaga :-(
What do you need? Cold ang tono ng pagsalita ni Dean. Tumayo naman si Mersel at kinausap sya.
K-kasi Sir. Alam nyo naman pong..
Straight to the point Ms. Barba? Ayoko ng sinasayang ang oras ko. So please.
Tumayo ako at kinausap ko si Dean.
Dean. Gusto po sana naming humingi ng Second Chance.
Tumingin sya sakin mula sa pagkakayuko.
Nang what Ms. Mariscal?!
N-nang Second Chance po.
Feeling ko huminto ang lahat. Uminit ang ambiance at lahat ng mata sa loob alam kong nakatingin saakin. Hindi ko alam pero humuhugot nalang ako ng lakas ng loob sa panyong hawak ko.
Second Chance? (Narinig kong nagsalita si Ma'am Chavez sa likod. Ang Teacher Enemy #1 sa lahat ng listahan ng studyante sa campus).
You do not deserve it. Maganda din naman ang Automotive. Try nyo rin paminsan-minsan. Atsaka bakit naman kayo bibigyan ng second chance ng Dean? Tinaasan nya ako ng kilay. Gusto ko na sanang manapak kaso alam kong mali. Mali kasi matanda sya at kelangan ko syang respetuhin.
Kasi po, we deserve it.
Ow? You deserve it? Hahahaha. You don't! Even your buddies do not deserve to be in this society.
Nawalan na ako ng control.
Mawalang galang lang po, Mrs. Chavez. Bakit? Lahat po ba ng pumasa sa Qualifying Examination deserving para sa slot nila? Atsaka estudyante rin po kami, may karapaan din po kaming magbigay ng sariling opinion. Kaya po kami humihingi ng pangalawang pagkakataon kasi ito ang gusto namin. Kasi masaya kami kapag nakakapagbigay kami ng impormasyon sa iba. At masaya kami na pagtawanan ang kada isa saamin kapag nagkakamali. Kasi sa bawat tawa at maling natatanggap namin, binubuo nito ang tunay naming pagkatao. Kasi sa bawat pagkakamali, natututo kami ng tama. Kasi sa bawat pagkakamali, ay mas lalo pa kaming nagiging matatag.
*Kruuuuu *Kruuuu
Okay! I will give you my Yes.
P-po? Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
Bibigyan ko kayo nang chance. BUT, make sure that you prove us wrong.
O-opo. Opo! S-salamat po. S-salamat Dean. Nakokornihan nga ako kung bakit ko yinakap si Dean. Weird no? Hahahahaha.
Nang buksan ni Aimee ang pinto.
Nandun sila Lucyfer, muntikan nang madapa.
Lucy? Ikaw na naman? K-kanina pa kayo dyan?
O-ow Ha-hi! Ay naku. Hindi naman. Haha. O ano? Nabigyan kayo nang SECOND CHANCE?
Sumingit ako sa usapan nila. Lucifer talaga ang ugali nang Lucy na yan. -_-
Oo naman! DESERVING DAW KASI YUNG GRADES NAMIN! Kasi yung IBANG nakapasa daw e, hindi naman deserving sa slot nila *evil grin
Are you telling...
No! Sinabi ko bang ikaw? O masyado ka lang assuming?
Naglakad na kami paalis. Pero dahil moment ko to, sinagad ko na hanggang buto. Lumingon ulit ako kay Lucy at nagsalita.
Hindi lahat nang patama ko para sayo, nagkataon lang na ikaw ang sumasalo.
*Victory Whooooooo \(^__^)/
