Chapter 1

106 3 0
                                    

No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's consent. Please obtain permission. Book: names, characters, place and incident are products of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Photos used for this book are copyrighted to its respective owners.

Kriiiiiiiinggg !

"Okay that's all for today goodbye class. Ingat sa pag uwi." Paalam ni Mrs. Lopez teacher namin sa Physics.

Nagsimula ng magligpit ng mga gamit ang mga kaklase niya dahil uwian na at last subject na nila ang Physics. Tumingin siya sa orasan. 5 o'clock. Sa mga normal na estudyante oras na ng uwian nila yun pero para sa katulad niyang parte ng Student Council umpisa palang ng araw nila.

Lately ginagabi sila ng uwi dahil na din sa paghahanda sa papalapit na School Festival na taon taon nilang pinag didiwang. In charge ang student council sa paghahanda doon sumabay pa doon ang nalalapit na exam nila.

"Sabay na tayo sa head quarters Yumi." Napangiti siya.

Si JL yun ang dahilan kung bakit kahit sobrang hirap maging parte ng Student Council ay nagagawa pa niyang magtiis.

"Sure tara na."

Palagay na ang loob niya kay JL dahil halos apat na taon na din silang mag kakilala.

Nang makarating sila ng headquartes ay inumpisahan kaagad nila ang paggawa ng mga bagay na kakailanganin sa nasabing event. Isa iyon sa mga event sa school nila na talagang inaabangan hindi lang ng mga estudyante kundi pati na rin sa mga taong nasa labas ng eskwelahan nila.

Sa unang araw ng school festival nila maraming paligsahan ang nagaganap per year level ang labanan dito. May basketball, volleyball at kung ano ano pang may ball dejoke lang.

Sa ikalawang araw yun yung medyo mahirap kasi naka open gate sila na kung saan kahit sino ay maaaring pumasok at bumili ng kung ano anong ibinibenta ng mga estudyante.

Tinignan niya si JL na busy sa pag ttype sa laptop nito. Lima kami ngayong nasa loob ng head quarters si Paula na tumatayong Secretary. Si Leo as Treasurer at si Rico ang Business Manager namin. Busy ang lahat kay sigurado siyang hindi siya mapapansin ni JL kung sisilipin niya lang ang irog niya. Sheyt ang lalim.

Gwapo ito. Aba naman syempre, crush nya ito kaya natural lang na gwapo ito. Pero mas gwapo ito kapag ganitong seryoso na.

Napakislot siya ng biglang napaangat ito ng tingin at tumingin sa kanya.

"Haaay ! Grabe ang sakit sa batok tumutok sa Laptop." Pagdadahilan ko habang hinihimas ang batok ko.

Lumusot ka! Lumusot ka! Sa isip isip niya.

"That's true ako din sumasakit na din ang batok ko." Nakangiting sabi ni JL.

"Anong oras na Miya?" tanong ni Lance.

"Oras na para bumili ka ng orasan." Sagot ni Miya ng hindi man lang ito tinitignan.

"Basag ka na naman Lance. " Pang aasar pa ni Rico.

"Bat ganyan ka sakin Miya?" nakangising tanong ni Lance.

Alam na niyang nag aasaran na naman ang mga ito.

"Bat ganyan ka din Lance." Sagot naman ni Miya dito.

"Ano nga kelan mo ba ko sasagutin?" tanong ni Lance.

Nakita niyang namula si Miya. Napangiti siya. Mukhang may something sa mga ito.

"Ewan ko sayo ang hirap mong suyuin. 8:30 na pala may quiz pa kami sa Chem namin. JL mauna na kami." Sabi ni Lance matapos tignan ang cellphone nito.

My Super HIROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon