Chapter 3

48 2 2
                                        

Natapos na ang exam week namin. Halos ilang araw a din akong Manager ng Basketball Team namin. At ilang weeks nalang school fest na. Lalo siyang naging busy. Katatapos lang din halos ng practice game ng players ng seniors. Ang iba ay nagpapahinga na.

“Mayumi.” Lumingon ako. Si JL.

“JL.”

“Kamusta dito? Inaalipin ka ba ng mga ito? Sabihin mo lang sakin ipapabugbog ko tong mga to.” Sabi ni JL na siyang ikinalundag ng puso ko.

“Grabe ka sa amin Pres. Mahal namin si Manager no.” Sabi ni Oliver.

“H-Hindi naman. Masaya naman silang kasama.” Sabi ko. Totoo naman unti unti na akong naka adopt sa kanila.

“Basta don’t push yourself too much. Kung hindi hahatakin kita pabalik sa Headquarters.” Sabi nito sabay tap sa ulo ko.

Nag init ang pisngi ko. Minsan lang kung tumungo at magpractice dito si JL natural na dito ang pagiging magaling parang si Hiro pero si Hiro syempre kailangan lagi siyang nandito sya ang Captain eh.

That’s enough idiot. Baka hindi na kayanin ng puso niya ang mabilis na pagtibok nito.

“Ah. JL I’ve never seen you wear that wrist band before. Is it a gift?” narinig niyang tanong ni Carl

“Yup. Galing kay Aya.” Pagmamalaki nito.

“Whoa. So what is the real score?” tanong ni Luis.

“Masyado mo ng inaangkin si Aya, he is not even yours o may gusto ka sa kanya kaya ganoon nalang ang tutol mo nang magbalak si Miggy na ligawan si Aya.” Sabi ni Carl.

“Shut up Man. Ayokong lalapit lapitan niyo si Aya. That’s it okay.”

Shoot. Ayan daig pa niya ang isang linggong pag ibig. Parang kanina lang halos hindi siya makahinga dahil sa kilig ngayon naman sobrang bigat na ng pakiramdam niya dahil sumasampal na naman sa kanya ang realidad.

Yung first love ko. Yeah First love ko si JL. Isa lang naman ang gusto ko, I wanted to be near him kahit hindi na nga maging girlfriend eh. Pero masakit din pala yung sobrang lapit mo sa taong mahal mo tapos yung taong mahal mo nasa malayo naman ang puso. Eto na ba ang sukli sa mga ginagawa niyang bagay na may hidden agenda? Yung tipong ginagawa mo lang ang isang bagay dahil may gusto ka at hindi dahil gusto mo talaga ang bagay na iyon? Sheyt. Masakit.

9 o’clock. Tapos na kong maglinis ng gym pati bola nalinis ko na din. Pumasok ako sa loob ng isang room kung saan ako madalas maglagi doon nakalagay ang lahat ng record at kung ano ano pang tungkol sa basketball. Inaayos nya ang Journal para sa araw na iyon ng maalala niya ulit yung wristband na yon.

Aya, akin nalang siya.

I sigh. Hindi ako makapaniwalang nagkakaganito ako hindi ko napansin na may bumagsak na luha mula sa mga mata ko. Pinahid ko iyon.

“Why are you crying?.”

Nanlamig ako. Shoot si Hiro. Hindi niya pwedeng makitang umiiyak ako.

Pinahid ko ng mabilis ang luha ko.

“I’m not.” Sagot ko ng hindi siya nililingon. Ayokong makakita siya ng ebidensya na umiiyak nga ako.

“Anong oras na. Ano pa bang ginagawa mo dito?” iritadong tanong nito.

“Tinapos ko lang yung daily Journal.” I answer.

“Ikaw anong ginagawa mo dito?” balik kong tanong.

“Binalikan ko yung Jacket ko naiwan ko tapos nakita kong nakabukas parin yung ilaw dito kaya pumasok ako.”

Hay. Buti nalang mabilis akong kumilos at naitago mula dito ang luha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Super HIROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon