Unedited...
Siya si Anica, 34 years old. Matagal na sa industriya at marami na ring parangal na natanggap. Sa katunayan, siya ang best actress ngayong kakatapos lang na MMFF o Metro Manila film fest.
"Cheers!" sigaw ng kasama niya sa isang bar na sadyang isinara para sa celebration nila. Sa ngayon ay sila ang nangunguna sa takilya. Sino ba ang mag-aakalang marami silang award na makuha at double pa ang balik na kita sa kanila? Dapat ang movie nila ay for international pero nagulat sila nang tumawag ang kanilang director na pasok o makasali raw ang pelikula nila sa MMFF.
"Cheers!" sabi niya at inubos ang vodka saka nagpadagdag pa.
"Anica, lasing na lasing ka na. Tama na 'yan," saway ng bakla niyang kasama.
"It's okay! Kaya ko pa!" sabi ni Anica saka itinaas ang kamay.
"Bahala na ang bodyguard niya sa kanya mamaya," ani Isko. "Pero grabe no? Kinagat ng mga tao ang pelikula natin."
Suspense-thrilling ang tema nila at hindi pa ganoon kasikat ang ibang tauhan pero ang gagaling umarte. Isa rin sa naghatak ng pelikula ay ang fandom ni Anica at dahil maganda ang pagkakagawa, ang bilis din sumikat.
"Lasing na ata ako," ani Anica na hinahanap ang bodyguard pero hindi pa rin dumadating kaya lumabas siya at nanigarilyo pero may humablot ng lighter niya.
"What the—"
"Masama sa kalusugan ang naninigarilyo, Ma'am," magalang na wika ng lalaking tumabi sa kanya. Masyadong matangkad ito kaya napatingala siya rito.
"Who the hell are you?"
"Marvin," tipid na sagot nito.
"Marvin who?"
"Your bodyboard for tonight!" sagot nito at nginitian siya.
"Ikaw? Asan na si Kuya Hesus?"
"May emergency lang kaya ako ang pinadala nila," sagot ni Marvin.
"Akin na ang lighter ko!"
"Not tonight," sabi ni Marvin.
"Pala desisyon ka sa buhay!" ani Anica at muling bumalik sa loob ng bar.
"Oh? Bagong boylet mo?" tanong ni Isko sabay nguso kay Marvin na naupo sa kabilang table.
"Bodyguard ko raw for tonight," sabi ni Anica at nilingon si Marvin na nag-order ng isang alak.
"Hindi siya mukhang bodyguard. Para syang model," sabi ni Isko at kumaway kay Marvin pero dinedma sila.
"Hayaan mo siya!" ani Anica saka uminom pa at nakipag-party. Nagsipaalam na ang mga kasama niya kaya kinuha niya ang purse niya at lumabas. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ni Marvin. Hinawakan siya nito sa bewang nang muntik nang mabuwal.
"Hatid mo 'ko sa bahay!" wika niya nang maramdaman ang paglutang dahil sa pagbuhat ng binata.
Pagdating sa condo niya, buhat pa rin siya ni Marvin. Kinuha nito ang susi niya saka maingat na inihiga sa kama.
"Wait," ani Anica saka malamlam ang mga matang tumingala kay Marvin. "Sabihin mo nga sa akin, paano nagagawa ng mga lalaking iwan ang matinong babae para lang ipagpalit sa pariwarang babae?"
Napatitig si Marvin sa mukha ng dalagang naupo.
"Matulog ka na po, Ma'am," ani Marvin na iniwas ang tingin nang maghubad ng pantaas ang dalaga.
"Tutal ikaw ang nandito at mukhang may hitsura ka naman, ikaw na lang," ani Anica saka tuluyang ibinaba ang lahat ng saplot.
"Alis na ako," sabi ni Marvin.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard
Short StorySikat siyang artista pero paano kapag ma-inlove siya sa di hamak na bodyguard lamang?