Wakas agad!

2.6K 158 18
                                    

Follow nyo muna ako bago basahin ang ending.

sha_sha0808








Unedited...




"Saan ka?" tanong ni Reon nang tumawag.

"Bahay. Masama ang pakiramdam ko. Pupunta ako kay Doc ngayon."

"Anong oras?"

"Now na. Paalis na ako," sagot niya at dinampot ang bag.

"May pakiusap sana ako."

"Ano na naman? Sunod-sunod na 'yan ah," biro niya.

"Marunong ka sa mga CCTV di ba?"

"Yup. Madali lang yun. Bakit?"

"Pupunta sina Marvin sa hotel mamaya para titingnan ang CCTV, pwede bang samahan mo sila? Busy kasi ako," pakiusap ni Reon.

"Gosh! Hindi ba alam ng bodyguard mo?"

"Alam siguro pero alam mo naman si Marvin, hindi niya specialty ang CCTV. Hindi nga yon marunong mag-tiktok at Facebook."

"Tanga kasi!"

"Inlove ka naman," ani Reon.

"Excuse me?"

"Hindi ako tanga, Anica! Malapit na kitang masakal sa pagpapahirap mo kay Zia!" inis na wika ni Reon sa kabilang linya kaya natawa siya.

"Hindi mo naman ako tinatama. Aminin mo, nag-i-enjoy ka naman."

"I don't want to hurt her, Anica. Gusto ko lang talagang linisin ang lahat sa amin dahil hindi ko maalala kung may nangyari ba talaga sa atin nung gabing iyon. Sinabi ni Marvin kay Mommy na mayroong nangyari sa atin."

"Gago talaga!" ani Anica na mas lalong nainis kay Marvin. Ganoon ba talaga kababa ang tingin nito sa kanya? "Fine! After kong magpa-checkup doon na ako didiretso pero ayaw kong maghintay sa lobby. I need your key!"

"Fine. Pwede mong kunin sa baba sa reception," sabi ni Reon at tinapos na ang tawag.

Lumabas si Anica at tumungo sa pinsang doktor para magpakonsulta.

"Nakapag-pregnancy test ka ba?" tanong ng kaibigan.

"Hell, no! Why?"

"Eh buntis ka ata eh."

Natigilan si Anica.

"Ako, buntis?"

"Akin na nga! Kuha ako ng blood at urine sample mo tapos mag-PT ka!" sabi ng pinsan niya. "Lagot ka talaga kina Tita pag buntis ka."

Kinakabahang kumuha siya ng urine sample. Napapikit siya habang pinapatak ng pinsan ang urine niya sa pregnancy kit.

Pagmulat niya, poker face ang mukha ng pinsan sabay taas ng kit.

"Congratulations!"

"Hala! Buntis ba ako?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Paano na ang career ninyo? Ano ang sabi ni Paolo? For sure maraming fans ang matutuwa nito. Pero, baka mawala rin ang career mo."

"Wait, nag-iisip ako."

"Matanda ka na, Anica. Buhayin mo ang bata at wag kang matulad sa iba na magpa-abort," suhestiyon ng pinsan na inunahan na.

"Oh ghad! I'm pregnant," aniya sabay hawak sa sinapupunan.

"Yes. Kaya if I were you, tama na ang party, alak at sigarilyo para sa baby mo. I sure matutuwa naman si Paolo."

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon