"Thank you nga pala ngayong gabi. Umayos na yung pakiramdam ko, parang kailangan ko lang talaga ng kausap." nag-aayos na kami ng pinagkainan namin.
Eleven o'clock na kami natapos, kahit tahimik siya ay sumasagot at nagkwkwento rin naman siya.
Katahimikan din talaga ang gusto ko tuwing kumakain pero gusto ko siyang kausapin para hindi naman kami awkward, at ngayon ay medyo nabawasan naman na yung awkwardness sa aming dalawa.
"Thank you rin! Nabusog nga ako, binigay mo pa kasi yung kalahati ng burger mo. Mahihirapan ako maglakad nito." natatawa niyang sabi.
"You snatched my burger 'no! Ang sabi ko itabi mo muna kasi busog na ako pero pag tingin ko kinakain mo na." pabiro ko siyang inirapan. Natawa lang siya.
"Bilhan na lang kita ng sampung burger next time. Just make sure na uubusin mo yun, maraming bata ang hindi kumakain."
"Yes, Kuya." I joked. He just glared at me.
"Never akong nagsayang ng pagkain, iyon din kasi yung turo ng parents ko." pagpapatuloy ko kasi parang 'di siya naniniwala.
"Magpapababa muna ako ng kinain, baka magkaroon ako ng appendicitis kapag umuwi ako agad." ani niya habang tinatali yung plastic na pinaglagyan namin ng pinagkainan namin.
Napaaga talaga yung midnight snack.
"Kung gusto mo pasok ka muna, walang subscription yung T.V kaya wala ka masyadong mapapanood doon. Kung gusto mo, ico-connect ko na lang yang phone mo sa internet para makapag-scroll ka sa social media habang nagpapababa ka ng kinain para naman hindi ka ma-bored kahit papaano." sabi ko dahil alam kong boring talaga sa bahay ko.
Binabalak ko ngang bumili ng mga books dahil may mini shelf sa tabi ng T.V. Hindi ko lang alam kung anong mga books ang bibilhin ko.
Inabot sa akin ni Tio yung phone niya nung naka upo na siya sa couch at ini-connect ko na yung phone niya sa internet. Nagpaalam muna ako sa kaniya na may kukunin ako.
Kumuha ako ng cardigan at kinuha ko rin yung tablet ko dahil may binabasa akong story ngayon. Pagtingin ko sa sala ay nakita kong tumatawa si Tio habang nags-scroll sa Facebook.
"Anong name mo sa Facebook?" tanong bigla ni Tio nung nakita niya akong umupo sa tabi niya.
"Laura Tiu." sagot ko naman.
Walang one minute nung nakatanggap ako ng notification galing sa Facebook. May nag add friend sa akin.
Tobias Iason Ortega sent you a friend request.
"Ikaw ba 'to?" sabay pakita ko sa kaniya ng phone ko.
"Oo."
"Ah, kaya pala Tio. Akala ko name mo na yun or surname. May kilala din kasi akong Tio yung surname." ang cool ng nickname niya.
"Eh ikaw ba? Laura lang ba pangalan mo? Wala ka bang nickname?" curious na tanong niya habang nags-scroll sa wall ko. Wala siyang makikita doon dahil hindi ko na masyado ginagamit yung Facebook ko.
"Elizeth." sagot ko.
Binigyan niya ako ng nagtatanong na expression.
"Laura Elizeth Tiu, my mama calls me Zeth or Lau. My friends call me Eliz. It depends on you; you can call me whatever you want, but please use an appropriate one." I continued.
"Laura, Rara. Nabubulol ako sa Rara kaya Lala na lang, pwede ba?" pagpapaalam niya.
"Okay lang. No one actually calls me Laura or Elizeth aside from tita Juliet and for formalities."
BINABASA MO ANG
Life in the Countryside
RomanceFinally, peace. This is what I thought when I moved out. I've been planning to live in a place like this since I was 10 years old. After many months, I want to move out again because of YOU.