Is happy ending only exist in fairytale?
Ako po pala si Anne Delvalle na hinding-hindi naniniwala sa happy ending at forever. Sabihan nyo na ako nang bitter pero hindi talaga ako naniniwala sa word na yan.
College student po ako sa Harvard University. Freshmen students. Labing pitong taon gulang na.
Kung ede-describe ko naman po ang sarili ko, ako po'y isang panget at nerd.
----------------
Mag iisang buwan na pala ako dito sa skwelahang to. Isang buwan ko nang tinitiis ang mga pang bubully nang mga schoolmates at classmates ko. Scholar ako sa skwelahang to, hindi nakakapasok ang mga mahihirap dito. Nagkaton lang na may iniligtas akung studyante, kaya ayun pinasok nila aku rito. Nung una ayaw ko talagang pumasok sa mamahaling skwelahan,.pero napag isip isip ko. Harvard university na yan eh, tatanggi pa.ba ako? Eh halos lahat nang mayayaman dito sa Cebu dito nag aaral.
Tinatawag nila akung monster, ugly, commoner at kung anu ano pa. Kasalanan ko bang lumaki akung mukhang halimaw, panget at mahirap? Kahit na ganito ako hindi ko sinisisi ang diyos, buti pa nga ginawa niya akung tao eh hindi alien. Mukha ko nga lang mukhang alien hahaha!
"Hoy best! Bakit ka ba natutulog dyan? Nag trabaho kana naman kagabi no!?" Tanong nang maganda kung bestfriend. Andito pala ako sa library ngayun.
Nag ta-trabaho ako sa gasoline station, kailangan kung kumita eh para mabuhay. Kahit anung trabaho papasukin ko para lang makakain tatlong beses isang araw at maka pag-aral. Ulila na kasi ako, ewan ko ba kung saan ang mga magulang ko, sa ampunan na ako lumaki. Pero nung nagka isip na tumakas ako, sawang-sawa na kasi ako sa mga madreng lagi ka nalang pinag sasabihan.
Best friend ko nga pala si Hannah dito sa school, ang swerte ko nga eh may kumaibigan saking maganda at maikaya sa buhay. Ewan ko ba kung bakit nya ako gustong maging kaibigan.
"Kailangan eh, para mabuhay" Sabi ko sa kanya na hindi dinidilat ang mata.
"Best, yan nalang lagi sibasabi mo eh. Magbigay ka naman nang oras para makapag relax. Tingnan mo ngang sarili mo para kanang lola" Hayss! Ito na naman ang kaibigan ko, pinapangaralan ako. Kakainis kulang pa naman ang tulog ko.
"Ito na nga oh! Natutulog na ako para makapag relax. Pero ang ingay-ingay mo" Sabi ko sa kanya sa naiinis na tono.
"Ewan ko sayo! Iwan na nga kita dyan, basta ha wag kang ma late sa math subject. May exam pala tayo ngayun, wag kang ma late ha, lagi kapa namang failed sa exams! Hahaha" Pang aasar nang bruha kung kaibigan. Magsasalita pa sana ako, pero tinalikuran na niya ako. Kaibigan ko ba talaga yun?
"Pshhhhh" Sabi ko nalang na mahina ang boses. Baka pagalitan pa ako nang librarian.
Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako. Ang sarap lang matulog sa library eh. Tahimik at tsaka walang nang bubwesit sayo para maningil nang utang para sa upa sa bahay. Hayss sana ganito nalang palagi buhay ko.
Sa kabila nang mahimbing kung tulog bigla nalang nag ring yung bell. Aishhh! Ang sarap-sarap na nga nang tulog ko oh, tas sisirain lang nang isang walang kwentang bell. Huhuhuhu kulang pa talaga tulog ko, baka makatulog ako sa math subject, e ayaw na ayaw pa naman ni Mr. Conrado ang natutulog sa klase niya. Bahala na nga si batman :3
On the way na sana ako sa room ko, nang biglang nag tilian ang mga estudyante. Ano ba naman to ang iingay ingay, kala mo naman kung sinung darating e yung apat na nag gwa-gwapuhang lalake. Teka! Gwapo nga ba talaga? For 1 month existence ko dito sa school hinding-hindi ko pa nakikita yung H4 ah. Makatingin nga.
"Pshh mga gwapo nga, mukha namang mayayabang" Aalis na sana ako nang biglang humarang ang tatlong magaganda ngunit mukhang mga malditang babae.
"Sinung sinabihan mung mayayabang monster? Watch of your words girl" Sabi nung isang babae nama'y headband sa ulo.
Hindi talaga aku nagkakamali, mga maldita nga. Sayang naman ang ganda nila.
"Sino ba kayo? " Sabi ko sa kanila. Eh totoo naman eh di ko sila kilala.
"Whatttt?? You didn't know us?" Sabi na naman nung naka headband na babae. Nakakainis na tong babaing to ha!
"Hindi, eh sino ba talaga kayo?" Sabi ko sa nagtakang boses.
"Ohh myy gadd! Girls I think we should introduce ourselves to this monster. " Sabi na naman nang naka headband na babae. Ang daldal lang eh noh? "I'm Cristy" Nakataas ang isang kamay niya.
"I'm Karen" Sabi nung babaing naka bun ang buhok na nakataas rin ang kamay.
"And I'm Bea, the queen" Sabi naman nang isang babaeng naka braid ang buhok.
"And we are the B3, stands for Beautiful Three" Sabay sabay nilang sabi.
"Okayyyyy!" Sabi ko nalang. Makaalis na nga, nasasayang lang yung oras ko sa mga babaing to eh. Baka malate pa ako ni Mr. Conrado. Siya yung pinaka terror na guro dito sa university. Lahat nang hindi marunong sa math binabagsak niya.
Hindi na talaga mawala sa isip ko yung H4. Hindi naman maipag kaila, mga gwapo talaga sila, mayayaman pa. Ang alam ko nga may isang member sa H4 ang nagmamay-ari dito sa school.
"Wag muna ngang isipin yang 4H anne, nasisira lang araw mo yan eh! Mag fucos ka sa math subject mo. Baka malate ka!" Sabi ko sa sarili, habang pinupokpok ang ulo ko. Mahina lang naman :) Dalidali na akung lumakad papuntang room ko.
(A/N Note: First time ko pong magsulat nang story, sana po magustuhan niyo. Mwuahugss)