My Lovely Girl II

3 0 0
                                    

Nakarating na ako sa room namin. Buti nalang wala pa si Mr. Conrado. Nakaupo na ako sa upuan ko, katabi ko si Hannah.

"Hoy Anne! Bakit ngayun ka lang!?" Hayss ito na namang bestfriend ko. Kakarating ko lang sa room ito na agad pambungad Sakin.

"May tiningnan kasi ako dun. Teka bakit wala pa si Mr. Conrado? Himala na late!" Hindi talaga nala-late si Mr. Conrado, kahit nga wala pang time eh nandito na yun.

"May faculty meeting daw, at tsaka may good news ako sayo" Sabi nang bestfriend kung nakangisi. Bipolar ba tong kaibigan ko? Tss.

"Ano naman yun? Sure kang good news yan ha?" Sabi ko sa kaibigan ko.

"Oo, may pinabilin kasi si Mr. Conrado na notes" Sabi na naman nang kaibigan kung nakangisi. Ewan ko sa kaibigang kung to.

"Oh tapos?" Sabi ko nang nagtatakang mukha.

"Ikaw ang magsusulat sa white board haha" Good news ba yun? Pshhh si Sir naman oh. Ba't ako pa! Maganda naman penmanship ko, ang sakin lang naman baka ako pa ang magiging center of attraction ng pangbu-bully nang mga estudyanteng to. Oh i mean center of distraction pala.

"Best naman eh! Alam mo naman sitwasyon ko diba, sana sinabi mo nalang absent ako!" Eh kung sinabi nalang kaya nya na absent ako, naku naman oh! Umiiwas na nga ako sa mga estudyanteng nambu-bully sakin Huhuhu

"Okay lang yan best, akung bahala sa mga classmates natin pag tinukso ka nila" Nakangiti nyang sabi at ipinakita sakin yung muscles nya na wala naman talaga haha.

"Aishhh, ikaw nalang kaya magsulat dun" Sabi ko nang naka Pout.

"Alam mo namang ang panget nang penmanship ko diba? Okay lang yan, baka may points ka sa math. Ito oh!" Ibinigay nya na ang libro na gagamitin ko. Lord ikaw na bahala sakin sana walang manukso. Pleasee naman lord oh.

Nung na sakin na ang libro hinay-hinay akung naglalakad papunta sa harapan. Nang biglang may nagsalita.

"Oy si monster oh! Hahahaha ang panget panget talaga hahahahaha" Nagsitawanan silang lahat. Kaya nga ayaw ko nang ganito eh, alam kung tutuksuhin lang nila ako. Hindi ko nalang sila pinansin baka ano pang mangyari sakin dito.

"Panget! Monster! Panget! Monster!" Yan ang chant ng mga estudyante sakin. Nang makarating na ako sa harapan may bigla nalang nangbato nang papel at natamaan ako sa ulo.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Nagsitawanan silang lahat habang binabato ang papel sakin.

Di ko na talaga kaya to! Ang sakit sakit na, alam ko namang panget ako eh. Okay na yung tinutukso nila ako, pero ito? Itong ginawa nila na binabato ako nang papel hindi na tama to. Lumabas nalang ako nang classroom, habang naglalakad ako hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko.

Hindi ko namalayng nakarating pala ako nang rooftop dito sa building. Dito ko nalang ilalabas ang sama nang loob ko.

Wala namang tao dito baka pwedeng sumigaw nang sumigaw "Walangya kayo! Oo ako nang panget, kayo nang magaganda. Ang sakit sakit nyung magsalita. Di ko na talaga kaya to" *Sobs* "Sana pumanget kayong lahat mga walang kwenta, walang puso." Isinandal ko nalang ang kamay ko sa railings habang umiiyak. Akala ko ba malakas na ako? Na kaya kunang harapin ang mga pangbubully nila sakin? Lumakas nang lumakas ang iyak ko nang biglang may humikab. Ito naman oh! Nakakasira nang moment, pang best actress na nga yung iyak ko.

Hinanap ko kung sino yung humikab. "May tao ba dyan" Pagsasalita ko. "Yohoooooooooooo" Habang naglalakad ako nang hinay-hinay ay biglang may tumayo na lalaki sa garden.

"Your'e so noisy, can't you see may natutulog na tao dito?" Aniya nang gwapong lalaki. Teka member to nang 4H ah? Ang gwapo nya, ito na yung lalaking pinapangarap nang mga babae. Ang ganda nang shape nang mukha niya, matangos ang ilong, napaka amo nang mukha at napaka puti kutis nang mayaman.

"Heyyyyyyy" My thoughts carry me away too far that time completely forget this hot guy infront of me.

"S..sorry, aka..la ko ka...si walang tao eh.. sige a..alis na a..ko. Sorry talaga" Nauutal kung sabi. Naglakad na ako papuntang exit sa rooftop ng hindi cya nililingon.

Ano tong nararamdaman ko? Ba't biglang bumilis ang tibok nang puso ko? Baka nadala lang siguro ako sa takot.

My Lovely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon