AYUMI
"Sorry, Miss. May girlfriend na kasi ako kaya hindi ako pwedeng makipag-date sa'yo." Mahinahong saad ni Ethan sa babaeng kausap nito.
Narinig ko ang mga yabag ng paa at ang pagsara ng pintuan. Kinain ko ang isang pirasong Pocky at inilipat ang pahina ng libro na binabasa ko.
Nakaupo ako sa sahig sa may tagong bahagi ng rooftop kaya hindi ako nakita ng babae. Umupo sa aking tabi si Ethan at agad na kumiliti sa aking ilong ang panlalaking pabango nito.
"Pangatlong babae na iyon ngayong araw." Malamig kong sabi habang hindi inaalis ang atensyon sa binabasa kong book of trivias.
Tumawa ito ng mahina. "We can't help it, sikat ang boyfriend mo."
"She's pretty."
"I don't care." Napabuntong-hininga ako.
"Do you know Fidel Castro?" Sinara ko ang binabasa kong libro at tiningnan ito. "He slept with thirty-five thousand woman. He slept with at least two women a day for more than four decades. One for lunch and one for supper."
Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi kaya mas lalong nahalata ang malalim nitong dimple. "Wow. He's a first class playboy."
Napasimangot ako. "Stop smiling. I hate it."
He bit his lower lip and looked at me seductively. "I know. Because you're feeling weak when I'm smiling at you, right?"
Nadadali ako ng dimples niya, e.
Hinawakan nito ang aking kamay at dinala iyon sa kanyang labi. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa kakaibang sensasyon na aking nadarama.
"Do you know that kissing in one minute can burn twenty-six calories?" Malambing nitong sabi habang bumababa ang kanyang mukha sa akin. "Let's burn two hundred sixty, shall we?"
He cupped my face with his hands. He smiled wolfishly and lowered his head. He pressed his lips to mine. It was firm and warm. His mouth moving across mine with tender affection. My heart raced. My mind goes blank.
Naghiwalay kami ng isang pulgada at pinagdikit ang aming noo.
"I love you, Ayumi." Malambing niyang bulong.
I smiled sweetly. Pinagkiskis ko ang tungki ng aming ilong. "Happy second anniversary, Ethan."
Hinaplos ng hinlalaki nito ang aking pisngi. "Let's have a date. Yellow Cab."
Ngumiwi ako. "I.. can't."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. "Quizzes?"
"Yes. Differential Equation." Nagpabuntong-hininga siya at sumandal sa pader. Umusog ako sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang kamay. "Babawi nalang ako, Ethan. Alam mo namang hindi ako pwedeng magpabaya dahil gusto kong maka-graduate ng Magna."
"Fine." Walang ganang sabi nito.
"Ethan.."
Tumayo na ito at hindi na ako tiningnan. "May klase na ako kaya mauuna na akong umalis. I-text mo nalang ako kapag ihahatid na kita pauwi."
Hindi na ako nakaimik nang tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad paalis. Nagkakilala kami ni Ethan sa isang quiz bee. Ako ang nagkampiyon at si Ethan naman ang nasa second place. Simula n'un ay hindi na niya ako tinigilan.
Marami ring naghahabol sa kanya dahil bukod sa matalino na ito, kaakit-akit rin ang kanyang itsura. Bago ko sagutin si Ethan ay pinaintindi ko naman sa kanya na pag-aaral ang priyoridad ko. Pareho kaming kumukuha ng engineering ngunit nagkaiba kami ng major. Ako ay Industrial at si Ethan naman ay Mechanical.