KHAYLEE
"Nasaan ka na, Tyler? Kanina pa kita hinihintay dito." Malambing kong sabi. Tatlong oras ko na siyang hinihintay dito sa Exquizite.
"Sorry, Khaylee. Hindi na ako makakarating. Nagkaroon kasi kami ng biglaang practice."
Na naman. Limang date na namin ang lagi niyang in-indian nang dahil sa basketball practice para sa intrams namin. Ito ang ace kaya naiintindihan ko ang halaga niya sa buong team. Pero palagi nalang ba ako ang iintindi sa kanya?
"Tyler, monthsary natin ngayon." Nagtatampo kong sabi.
"Oo. Hindi ko naman nakalimutan, e. Babawi nalang ako. Please, Khaylee?"
Napabuntong-hininga ako. "Tyler—"
Natigil ako sa pagsasalita nang marinig anh boses ng teammate nito. "Tyler, ano ba?! Practice na!"
"Khaylee, tatawagan nalang ulit kita. Bye." Mabilis na sabi ni Tyler at pinutol na ang tawag.
Kumuyom ang aking kamao. Ni hindi man lang nito binigyan ng panahon ang relasyon namin. Mas mahalaga pa talaga ang basketball kaysa sa akin. Kung hindi niya ako pupuntahan, ako nalang ang mag-e-effort na magpunta sa kanya.
Sumakay ako ng taxi at nagpunta sa covered court ng school. Narinig ko ang tunog ng pagkiskis ng mga rubber shoes sa basketball court. Nakita ko ang maraming players na naglalaro roon at pawis na pawis. Umupo ako sa may bench sa tabi ng bag ni Tyler habang pinapanuod itong maglaro. Hinalungkat ko ang kanyang gamit para kunuha ng bimpo. Narinig kong pumito ang couch at tumigil na sa paglalaro ang mga players.
Medyo nagulat si Tyler nang makita ako. Kumaway ako ng kaunti at ngumiti sa kanya. Tumabi ito sa akin at agad kong dinampi sa kanyang balat ang tuyong bimpo.
"Basang-basa ka ng pawis." Nag-aalalang sabi ko at pinunasan ang kanyang leeg.
Umugong ang tuksuhan sa buong gym. "Oy, Tyler! Ang sweet ng girlfriend mo."
Namula ang aking pisngi. Mahinang natawa si Tyler at kinurot ang pisngi ko. "Huwag mo na silang pansinin. Bakit ka nandito?"
Nag-iwas ako ng tingin. "A-Ayaw mo kasi akong puntahan doon kaya ako nalang ang nagpunta sa'yo."
Hinawi niya ang tumabing na buhok sa aking mukha sa likod ng tenga ko.
"I'm sorry, Khaylee." Nanunuyo nitong sabi.
Inilagay ko na ang bimpo sa loob ng kanyang bag at itinuon muli rito ang atensyon. "Bumawi ka nalang bukas."
Tumikhim ito. "Hindi rin pwede, kasi may practice game kami hanggang seven p.m."
"S-Sa sabado?" Hindi siya nakapagsalita. Nalaglag ang mga magkabilang balikat ko. "Hindi rin pwede. Mas mahalaga talaga ang basketball kaysa sa akin."
"Khaylee—"
Hahawakan niya sana ang aking kamay ngunit iniiwas ko iyon. "Magpalit ka ng damit mo. Baka magkasakit ka pa."
Huminga ito ng malalim at tumayo na. Dinala nito ang bag at naglakad na papunta sa locker room nila. Nainwan akong mag-isa dahil nakaalis na ang ibang teammates nito.
Napatingin ako sa aking cellphone nang umilaw iyon. Binuksan ko ang mensaheng pinadala ni Marco.
New location ng date niyo ang gym ng school? Wow. Ang galante talaga ng boyfriend mo. Ano pinapakain sa'yo? Bola ng basketball?