2

4 0 0
                                    


"Sige, kumain ka pa, hija. Sagot ko lahat" Sabi nito sabay higop ng tea.

"Talaga po?" Tanong ko habang lumalamon. Gutom na gutom ang mga alaga ko sa tiyan. Wala ng hiya hiya ito dahil alam kong gutom talaga ako isa pa hindi rin ako nag-breakfast kanina.

"Oo kaya kumain ka ng marami" Nakangiting sabi nito.

"Naku! Salamat po! Gutom na gutom po talaga ako!" Sabi ko habang ngumunguya. Nawawala atah ang manners ko ng dahil sa gutom.

"I was about to go to the Petshop but naligaw ako but hanks God dumating ka at tinulungan mo ako. Napakahalaga sa akin ng hand bag na ito. Regalo ito sa akin ng mahal ko noong 35th Anniversary namin" Kwento niya habang hinihimas himas ang napakagandang hand bag nito na kumikinang-kinang pa ngunit naputol iyon ng biglang may mag-interrupt.

"Oh! Ashley! It's really you!" Saad ng babaeng boses kaya't napa-tingin ako pati na rin si Lola.

"Ashley! Sabi ko na nga ba ikaw nga eh! Akala ko kasi kamukha mo lang kasi nga diba hindi mo nga naman afford kumain sa ganitong lugar." Tumawa ito. Napalunok ako hindi ko alam na hanggang dito makikita ko ang pagmumukha ng babaeng ito.

"Anyways, balita ko baon kayo sa utang ngayon at tinakbuhan pa kayo ng father niyo.  Poor Ashley!" Napaka-walang asal talaga ng babaeng ito. Kung maka-pagsalita siya ay parang alam niya ang lahat ng pangyayari. Bago pa ako makapag-salita ay naunahan na niya ako.

"Oh! Ashley! Nice meeting you here but I have to go na!" Maarteng sabi nito at umalis na.

"Oo. Umalis kana! Bago pa kita ibaon sa lupa!" Hindi ko magawang sabihin iyon dahil andito si Lola.

"Hija, totoo ba iyon?" Tanong nito. Napatango nalang ako.

"Oh, I'm sorry to hear that. Are you okay?" Kitang-kita ko ang awa sa akin ng nasa harap. Ayaw ko ng kinaawaan ako kaya't ngumiti nalang ako.

"I'm okay, Ma'am." Sabi ko.

"Kelangan mo ba ng tulong? Gusto mo bang hanapin natin ang Papa mo?" Malambing na tanong nito.

"No. It's okay Ma'am!" Sagot ko.

"Alright! But since tinawag mo na akong Lola kanina ay wag mo na akong tawaging Ma'am. Lola Selena nalang!" Binigyan niya ako ng calling card.

"Copy, Lola!" Sagot ko.

"Alright! I have to go! May meeting pa ako. I hope to see you again, hija at pwede ba samahan mo ako sa susunod kung saan ba ang Petshop dito." Sabi nito.

Nang makaalis na siya ay dinukot ko sa bulsa ang calling card na binigay niya kanina at binasa ang pangalan.

Ma. Selena Yoon

Napaka-bagets naman ng pangalan ni Lola. Sabagay mukha namang bagets si Lola. Nakakatuwa lang dahil kahit paano nakatulong ako at yung ipis na dugyot na yun ay nasa kustodiya ng mga pulis. Naglipana na talaga ang mga magnanakaw. Tsk.

-

Pinalipas ko ang oras sa pamamagitan ng panunuod ng paglubog ng araw dito sa boulevard.
Napakasarap ng simoy ng hangin. Nagpapalipas oras lang dahil alam kong sa mga oras na ito ay may mga pulis na nag-aabang sa bahay.

Maga-alas diyes na ng gabi ng maisipan ko umuwi. Napag-isipan ko na ring kunin nalang ang gamit ko duon, ano pa ba ang saysay ng pananatili ko ruon kung tinakbuhan na ako ng pamilya ko.

Nang makarating ako duon ay walang Aling Bebang at pulis na naggagambala kaya minabuti ko ng kunin ang mga gamit ko at umalis ng dahan-dahan.

"Ashley!" Mahinang tawag ng boses na babae.

Napalingon ako at nakita ko si Jennefer, isa sa mga kapit-bahay ko.

"May nagpapa-abot sa'yo nito." Isa iyong sobre kaya't kinuha ko na dahil nagmamadali ako baka maabutan pa ako ni Aling Bebang.

"Salamat! Jennefer!" Sabi ko.

"Mag-ingat ka! Eto tanggapin mo, konti lang naman yan" Nahihiya man ako pero tinanggap ko na rin. Hindi na uso ang hiya sa kalagayan ko.

-

sweetsera :-)

The Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon