Hanggang Panaginip Na Lang

2 0 0
                                    


*****

Ika'y misteryosong lalaki,
Na bumabagabag sa aking isipan.
Mukha mo'y parang kilala
O hindi nga ba?

Ngunit ako'y nagtatanong,
Kung ikaw nga ba ay nakita na?
Isip at puso'y di mapakali,
kung ano nga ba ang gagawin.

Sa panaginip na lang ba kita makikita?
Ngunit ikaw ay gustong makilala.
At sayo gusto makaranas, 
Ang pag-ibig na iyong hatid sakin.

'O mistulang panaginip!
Batid kung makita ka sa personal.
Dahil iba ang iyong hatid
Sa damdamin at puso kung sabik na magmahal.

LOVE GROWSWhere stories live. Discover now