1

0 0 0
                                    

"What the heck pinatulan mo paren?"
Naiinis na sabi ni Lea. May babaeng gusto kumuha ng number ko. Alam Kong dare lang yun sakanya. Dahil ang ingay nila sa kabilang table at nag sspin the battle sila.

Well hindi naman yun masama para sakin. pero para Kay Lea alam nyang trip ako nung mga yun. at malamang may tatawag nalang sa number ko na kung sino. Delekado Ang mag bigay ng number kung kanino.

"Akin na yang sim mo palitan natin. Bumili lang ako drinks may mga siraulo na agad" naiinis nyang sabi. Natawa ako kahit kelan alpha female talaga to.

"Wag na block ko nalang. Malamang naman hindi makulit yan pag di ako sumasagot, oh di kaya dare lang talaga" sabi ko.

Tumaray lang sya. Kakatapos lang ng midterm madalas talaga mag party ang mga students pag kakatapos lang ng hell week. Kaya crowded Ngayon. Hindi ako sumama Kay Lea sa pagbili ng drinks dahil malamang mawawalan lang kami ng sit.

Aalis den naman kami Mamaya. Dahil may shift pa si Lea sa coffee shop na pinagtatrabahuhan nya. Mag popogi shopping lang kami dito. Maraming mga  shawty dito Ngayon eh. Mas importante pa yun sakanya kesa sa trabaho nya. Malamang grogy nanaman to. Panay ang inom.

Simula nung nag cavite kami. Naging ganito na Ang lifestyle namin. Aral party. Nagdorm kami pero lumipat din sa apartment. Nag share lang kami. May dalawang kwarto naman yung apartment. Hati kami lagi sa bill. Nung nagapply kami ng scholarship isang company lang yung inapplian namin. At Isa lang yung kaya nila. Binigay ko sakanya yun. Para maliit nalang yung ishoulder nya sa mga expenses. Nagkahiyaan pa kami don.

Si mama Padala ng Padala ng Pera kahit madami pa naman akong budget. Sa lifestyle ni Lea ay matuto ka talagang magtipid kung sya ang Kasama mo. Ang sabi ni mama ay kung maari bibigyan nya narin daw si Lea. pero sa sobrang Independent ni Lea ay ayaw nya. Naoffend pa nga sya nung nilibre ko sya ng coffee eh. Di ko naman sinasadya, di ko alam na short sya non. Ang sabi nya babayaran nya daw pag may Pera na sya.

Hinayaan ko nalang sya dahil baka magtampo pa sya. Ayaw ko pag nagaaway kami. Para lang kaming baliw di naguusap pero pag nagluluto sya laging Kasama ako. Nagtatampuhan kami non. Tapos naghanda sya ng breakfast sya pa yung naglalagay ng pagkain ko sa pinggan.

Naiiyak pa nga ko non. At nagsorry habang nakain ayun nagyakapan kami nalate lang kami Dahil sa kaartehan namin.

"1" nakakita na sya ng pogi dahil nagbibilang na sya. Lumingon ako kung saan sya nakatingin. Oh no not this one.

Tumayo ako at nagtry na pigilan sya. Pero mabilis na syang naglakad at nagkunwari  syang natapilok habang hawak yung drink nya. Nagsilingunan ang mga tao sa paligid dahil sa lalaking tinatarget nya.

"Ay sorry" nagsalita si Lea napasapo ako sa ulo ko nung pinunasan nya yung dibdib ni Santos. Pupuntahan ko na sya nung tinulak sya nung babaeng Kasama ni Santos.

"What the hell are you doing!" tumakbo ako papunta Kay Lea. Nakaupo sya sa sahig tinignan ko sya na hindi ininda yung pagkadapa. Para pa syang nasiyahan dahil tinulak sya.

"Lea. Halika na!" Madiin Kong pagkasabi. Tinayo ko sya at hihilahin na paalis pero nagmamatigas sya. Pls naman hindi ito ang tamang Oras para dito.

"Millano" tawag sakin ni Santos.

"I knew it" mahinang bulong ni Lea. Fuck shit talaga tong babaeng to.

"I'm sorry for what happend here. Im Gonna pay for your shirt" sabi ko gusto ko na umalis.

"No" hihilahin ko nanaman sana si Lea pero nagsalita si Santos.

Bumuntong hininga ako at lumingon sakanya. What the hell this freak want.

"You, wipe it for your friend" sabi nya.

"Excuse me?" Sabi ko naiinis na.

"Well your friend cause a trouble here" Tumingin pa sya Kay Lea na natutuwa na. "I'm sure your willing to fix this. For her" Gumawa ng ingay yung mga tao sa paligid dahil sa sinabi nya. umirap yung babaeng kasama nya sa likod. Alam Kong maraming nakakakilala sakanya. At alam nilang dati kaming close ni Santos.

"Well I'm not. It's her problem labas ako dun. Baka matulak lang den ako" lumingon ako sa Babae nya. Felling netong gagong to. May Babae na Ngayon. Eh sabi nya hindi nya raw type mga Babae.

"Don't worry no one can hurt you" lumapit pa sya. Umatras nako dahil Walang patutunguhan to. Umalis nako at hinayaan si Lea don dahil nang aasar lang sya.

Ramdam kong sumunod sakin si Lea. Nakakatayo sya pero hinintay nya pa tong mangyari alam ko naman na ginusto ko to pero shuta ang sakit.

"That was a great show My friend" natatawa sya. Alam nyang na asar ako pagdating Kay Santos.

"Don't talk to me" Binilisan ko ang paglalakad ko pero hinabol nya ko.

"Houyy gage sorry. Hindi sya yung target ko yung Lalaki sa likod nya. Pero humarang sya kaya sya yung nabangga ko, di ko nga sya napansin eh" pagpapaliwanag nya.

Hindi ko na alam kung nasaan na kami nakarating pero labas nato. Wala dito yung sasakyan namin. Nangingilid ang luha ko.

Tumigil ako sa paglalakad. At humarap sakanya. "Hindi naman ako mukhang Tanga Diba" naiiyak na sabi ko. Tumango sya. At niyakap ako.


"Hindi... Diba sabi mo gusto mo.. matapang ka pag nakaharap mo sya. Sobrang tapang mo" pagchecheer nya.

Tinapik tapik nya yung balikat at naki iyak sakin. Wow I meet him again. my love.

With YouWhere stories live. Discover now