First love lasts. So they say.
In our case Dee, you are my first love, but we were never meant to last.
***
May 15, 2015.Heto nanaman ako. Nagsusulat para sa taong alam kong hinding hindi niya mababasa ito. Kahit sa loob-loob ko, gustong gusto kong makita niya ang nilalaman ng sulat kong ito. A little part of me wished hat he would read this, and sana masaktan siya mag regret... manlumo.. But who am I kidding, right? LOL. Jokes on me. I feel so pathetic now.
Birthday niya ngayon. Ang sakit lang. Bakit? Kasi cake lang ang naibigay ko. May dedication pa ngang nakalagay na: "Tumanda ka nanaman xD -Misselohcin" Nilagay niya iyon sa lamesa ng Bahay nila. Nakita pa nga ng mga barkada namin.
Nakakalungkot. Ang pathetic ko tignan sa kahit na anong Angulo. Bakit nga ba ako andito? Wala naman na kaming dalawa. We had our history together and it was far over.
Akala ko mas matimbang na ako sakanya. Hindi pa pala. Ang sakit sakit lang. Nawala ako sa mood nang nakita ko ang regalong ibinigay ni Joy sakanya na Bench T-shirt. Ano ba naman ang laban ng triple chocolate cake ng Red Ribbons sa branded shirt na binigay sa kanya? Anong panama ko sa ibinigay niya? Lalo na nung sinabi pa ni Dee na: "Eto ang pinaka unang unang gift na natanggap ko. Kaya espesyal yan."
So ano yung saakin? Basura lang? Pagkain lang? Salamat sa appreciation. Please do note my sarcasm
So the cake that I gave, for his birthday na talagang umeffort pa akong daanan sa mall, umeffort pa akong gumawa ng palusot sa mga taong dapat kasama ko sa araw na iyon, was not a gift. Dagdag lang sa handa yung binigay ko? Ang saya saya. Tangina.
So yung binili ko hindi pala iyon espesyal. Nakakalungkot. Akala ko naman na sumaya na siya dun. Nakita ko pa nga siyang ngumiti nung nabasa niya yung nakasulat sa frosting e. Natatandaaan mo ba? MISSELOHCIN, ikaw ang nagpangalan saakin niyan. Tangina mo.Pero nakakabwisit. Yung ngitin niyang iyon, kahit saglit lang, nagpasaya saakin kahit konti.
Ano ba nga naman ang laban ko kay Joy, hindi ba? Lagi niyang nakakasama dahil bayaw siya ng mga pinsan niyang buo. At wala pa namang isang taon nang naghiwalay sila sa hindi ko malaman na dahilan. Pero mukha akong tanga dun. Bakit nga ba ako pumunta? Ah oo, birthday niya at ininvite niya ako. Ako naman etong si tanga, pumunta pa.
Bakit ba kasi ako nakakaramdam ng ganito?Dapat ok na ako hindi ba? Ok naman na talaga dapat ako e. Pero bakit ganun? Hindi naman sobrang sakit na to the point, eh, iiyak ako. Masakit lang na nakakawala ng gana. Nakakasakit ng loob. Ah ewan! Hindi ko na tuloy maiexpress ang saloobin ko. I just feel so out of place. I feel so pathetic.
Ang hirap pala talagang kalimutan ang una mong minahal.
Move on. Easy to say, so d@mn hard to do. Sino ba ang nag-imbento niyang word na yan at nang masaksak ko sa puso. Tang*na niyan.
Kaninang pagdating ko sakanila, wala pa si Joy. Nasa lamesahan kaming lahat. At nang kakain na kami ng pansit na niluto niya, busog na busog pa talaga ako nun. Seryoso, busog pa talaga ako. Hindi ko tinatanggap yung mga inihahain ng mga barkada niya. Pero bigla niya akong inikuha ng isang small plate na pansit at may dalawang shanghai. Hindi na ako nakahindi. Ang sweet niya e, lalo na nung binigyan niya ako ng isang basong coke na pinaginuman niya rin. Ako lang naman ang binigyan niya e. That's why it made my heart jump. But damn, hindi ko naisip na bisita nga lang pala ako. And out of courtesy, bilang birthday boy and may ari ng lugar na yon, tama lang na pagsilbihan niya yung mga bisita niya. Pero masama bang lagyan ng malisya yung ginawa niya? Hindi naman di ba? Tanga nga talaga ako. Tanga.
Anyway, yung basong binigay niya saakin ay mismong basong pinaginuman niya rin. Naniniwala naman kasi ako sa indirect kiss. LOL. Malala na nga talaga ako. Asan na ba kasi yung lalaking darating sa buhay ko? Asan naaa? Naisip ko sa oras na iyon: Sana nasa college apartment na lang ako ulet at wala dito, gumagawa ng modules, kesa magpaka hang-up sa taong alam kong hindi na ako ang mundo.