By: Kristina Cayla Dolola
Marami sa atin, mga estudyante ang nakakaranas ng mga ganitong pangyayari, at hindi natin alam kung paano ito iwasan o masugpo. Marami sa atin ang biktima ng pambubulas o pambubully. Maaaring ito ay pasalitang pambubulas, sosyal o relasyonal na pambubulas, pisikal na pambubulas, o cyber bullying gamit ang makabagong teknolohiya sa social media. Ang mga nakakaranas nitong pambubulas o pambubully ay maaaring magkaroon ng depresyon, mawalan sa tamang pag-iisip o masiraan ng ulo, maging mabalisa, mawalan ng tiwala sa sarili at maaari itong humantong sa pagpapakamatay.
Kagaya ng sa larawan ang bata ay humihingi ng tulong dahil isa siyang biktima ng pambubulas. Ang pambubulas ay nagaganap marahil sa pagkakainggit ng isang tao sa kapwa, maaari ding kulang siya sa pag-aaruga o pansin sa bahay at iba pa.
Upang maiwasan at matigilan ang ganitong pangyayari ay dapat magsalita sa kinauukulan kung may naganap na pambubulas, huwag pansinin ang ginagawa ng bully, kontrolin ang nararamdamang galit at iwasang makipag-away ng pisikal dahil maaari lang itong magresulta sa hindi maganda, at pwede mo ring kausapin ang mga taong may kapangyarihan, maaari kang sumangguni sa iyong guro, magulang, guidance counselor o coach. :>
BINABASA MO ANG
Ang mga Karahasang nagaganap sa ating Paaralan
SachbücherIto ay kuwento tungkol sa mga karahasang nararanasan ng mga estudyante. Paano natin maiwasan ang pambubulas?