._.
" ANO? MAY CRUSH KANA? " Sabay sabay nilang tanong sa'kin.
Naikwento ko kasi sakanila yung about sa attractive guy do'n sa ilalim ng puno kahapon.
Si mr. dark brown hair.
Ang O.A lang kasi maka react ng mga ito.
" Ay tanga mang istalk nanga lang nag papahalata pa. " Sabi naman ni yska, maka tanga naman to. Sana di nalang to gumaling charot
Tuwing salita ko nag rereact ang mga gaga, parang mga timang.
" Ang pogi nya kasi, yan tuloy naging crush ko s'ya. " Sabi ko habang kumakain ng cake na dala ni ilaw. sana all may cake
Nasa Tambayan namin kasi kami ngayon, pag wala pang pasok or lunch time dito kami tumatambay.
Maganda kasi dito, madaming upoan na gawa sa semento tapos may mga puno kaya hindi mainit.
Presko din yung hangin dito, kaya simula n'ong makita namin to dito. Dito nakami nag tatambay pag may free time kami.
Nasa likod lang to ng building ng mga club, like music club.
" Sino naman yan ineng? " Tanong ni ilaw kaya napatingin ako sakanya.
" Ayon nanga hindi ko s'ya nakilala, tawag ko nga sakanya mr. dark brown hair, eh kasi yun yung kulay ng buhok n'ya tapos ang gwapo n'ya talaga. " Kinikilig ko namang sabi.
" Ewan ko bakit ako nag kaganto, diko nga maalis alis yung tingin ko sakanya. hayss " dugtong ko naman.
" Mr. dark brown hair? " Tanong naman ni yska.
" Oo, ehe alam nyo bang sobrang bagay sakanya talaga yung buhok nya as in. " Sabi ko habang yakap yakap ang sarili.
Ang hirap naman kasi itanggi sobrang pogi n'ya lalona't samalapitan.
Kailan ko kaya s'ya ulit makikita no?
" Sis malala kana, hindi ka ganto before. This isn't you nori. " Pag dadrama naman ni vivi.
Grabe naman maka react to wagas.
" Dark brown hair ba kamo? Parang may kilala ako n'yan sis. " Napatingin naman ako kay ilaw, habang hawak hawak n'ya yung panga n'ya may iniisip ata.
" Ano? Sino? " Taas kilay kong tanong sakanya.
" May kaklase kasi akong ganyan yung buhok then sobrang tangkad n'ya pa, gwapo tapos yung mata n'ya kulay blue, may lahi ata yon. Gwapo nanga matalino pa, alam mo bang s'ya makakalaban mo sa debate mamaya? " Paliwanag n'ya naman.
Teka teka diko ma pasok sa utak ko yung mga sinasabi ng bading na'to.
wow teh may utak ka pala.
Naguguluhan ako.
Nabalik ako sa huwisyo nang may pumitik sa noo ko. " Hoy girl! tulala ka? " sabi naman ni yska kaya tinignan ko s'ya ng masama.
Nag peace sign naman ang gaga, Sakit non ah.
" Sabihin mo sakin ilaw! sino s'ya? Sino! sino! sino! " Yinugyog ko naman s'ya kaya siningkitan n'ya ako ng mata.
" Isa! Pag yang kamay mo hindi bumitaw, diko talaga sasabihin. " Agad naman akong bumitaw sa pagkakahawak at ngumiti sakanya. Mag pakabait ka nori oo, nasakanya nakasalalay ang pangalan non.
Nag puppy eyes pako sakanya at sinamahan nadin ng pag pout.
" Teh, tigil mo yan mukha kang asong kulang sa kain. nge! " Arte n'ya pang sabi kaya inirapan ko s'ya.
YOU ARE READING
HE'S MY SOLACE
RandomNori, the girl who never attracted to any guy until she met Duke, the guy who doesn't care of anything except studies and always cold to anyone. " Hello mr.dark brown hair my sweetcake..."