Nang araw na iyon at ipinasyal ni Menandro si Adriano sa plasa, matapos silang mag liwaliw ay iginiya ni Menandro si Adriano sa isang lugar kung saan pupwede silang magsarili.
Walang gaanong tao sa lugar na dinaanan nila, mapuno at malayo pa lang sila ay naririnig na ang agos mg tubig.
"Narito na tayo!" Masayang sabi ni Menandro.
Inilapag nito ang buslo at kinuha ang isang tela saka inilatag sa damuhan habang nilingap ni Adriano ang paningin sa paligid.
Ang ganda ng paligid at ang lawak ng ilog na iyon.
"Anong ilog ito?"
"Ito ang ilog Mercedes. Pinangalan mula sa aking abuela. Dito sila unang pumasyal ng aking abuelo noon, ayon sa aking ama, bagay raw kay lola ang ilog na ito dahil sa kanyang angking ganda.
Hindi ko rin matanto kung alin ang totoo. Basta iyon ang alam ko. Halika, umupo ka."Naka upo na pala sa tela si Menandro,
Itinaas niya ang kamay at inabot naman iyon ni Adriano at naupo tabi niya."Dito ka ba naglalagi kapag uuwi ka galing Espanya?" Tanong niya rito para may mapag usapan.
"Oo, maganda ang hangin dito, maaliwalas. Saka ngayong kasama kita, wala nang mas igaganda pa."
Nawalan na naman ng sasabihin si Adriano basta hinampas na lang niya sa balikat ang binata.
"Nakakailan ka na ah, masakit na." hinawakan ni Memadro ang kamay nito at hindi na binitawan pa.
"Alam mo Riri, naisip ko, Kung mali ang nararamdaman ko para sayo, bakit pakiramdam ko ay tama ito?" Bulong niya sabay haplos ng pisngi ko.
Hindi umiwas si Adriano bagkus ay hinayaan at hinintay niya ang gagawin nito habang papalapit ang mukha nito sa kanya.
Kasabay ng pamimigat ng talukap ng kanyang mata at ang kusang pagpikit nito ay ang malambot na bagay na dumampi sa kanyang labi.
Sa ilalim ng mayabong na punong manga, sa harap ng malinaw na tubig, at sa sinag ng papalubog na araw ay pinagsaluhan nila ang tamis ng unang halik.
***
Nagpatuloy sa kanilang lihim at pag iibigan si Adriano at Menandro. Lahat ng ito ay alam ni Gracia, ang kanilang kaisa isang kakampi.
Sa panahon na ipinagbabawal ang pag-ibig sa pagitan ng kaparehong kasarian ay pilit na ipinaglalaban ng dalawang pusong nagmamahalan.
Isang araw ay ipinagkasundo si Menandro na ipakasal sa anak nang alkalde mayor ng San Joaquin na si Binibining Amanda ay kanya itong tinanggihan.
Ang sabi niya ay wala pa sa kanyang isipan ang pag-aasawa bagay na dinamdam ni Alkalde Mayor Joaquin.Sumiklab ang sigalot sa pagitan ng pamilya Joaquin at Lopecillo, kasabay ng rebelyon ng mga Pilipinong gustong kumawala animo'y kuko ng agila na mga prayle.
Sa panahong iyon ay nagsasanay pa lamang si Menandro para palitan sa pwesto ang ama ng magsimulang sumalakay ang mga rebeldeng grupo.
"Papa! Ano ang ating gagawin?" bakas ang takot sa mukha na sabi ni Jomaria.
Halos napapalibutan ng gwardiya sibil ang kanilang mansyon, ayon sa kanilang nasagap na impormasyon at sasalakay ang bandidong hukbo rito ngayong gabi.
Dahil sa mga nangyari ay tumaas ang presyon ng dugo ni Gaudencio at kasalukuyan siyang ginagamot ni Adriano.
"Papa, huminahon ka. Jomaria, pumasok ka sa iyong silid at magdasal. Hindi nakakatulong sa ating kalagayan ang pagiging matatakutin," malumanay na sabi ni Menandro.
"Menandro anak, siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong magpakasal kay Binibining Amanda?" tanong ni Gaudencio na nakatingin kay Adriano.
"Papa..." alanganing sagot ni Menandro.
BINABASA MO ANG
Hasta entonces, mi Amor
Historical FictionA short Filipino reincarnation story in pre-colonial Spanish Era.