Chapter 6 Umasa

11 0 0
                                    

Alam niyo ba yung feeling na umasa ka nanaman?

Ang hirap diba, kasi sa bawat tao na nakikilala natin kahit mahirap natutunan natin silang pagkatiwalaan.

Kaya lang sila naman yung taong kayang-kaya tayong saktan.

Akala ko kasi iba si Miguel.

Pero akala ko lang pala.

Nandito ako ngayon Sa kwarto ko nag iisip sa mga pangyayari sa buhay ko.

Kung papipiliin ako ayokong magmahal kasi ang happy ending sa pelikula ko palang nakikita.

Maswerte siguro yung iba kung nasa kanila na yung happy ending na gusto nila.

Tayo, may control tayo sa mga pangyayari sa buhay natin pero minsan nangingibabaw ang ating emosyon. Kaya maling desisyon ang nagagawa natin.

Naisip ko kailangan ko na sigurong iwasan  si Miguel. Para matapos na tong sakit sa puso ko. Minsan kasi akala natin ibang tao ang may kasalanan kung bat tayo nasasaktan pero tayo naman mismo yung may kasalanan kung bakit tayo nasasaktan.

It Will HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon