kabanata 3

478 18 8
                                    

DANI

Nag reready Nako ulit para pumasok gagawa ako ng sandwich ko na baon at gagawin Kong dalawa para ibigay sa prof ko dahil sya lang ang professor na Hindi iba Ang Turing sakin

Hindi ko alam sa Sarili ko kahit pinahiya nya ko ok lang sakin

" Good morning Po Mang Larry Tara napo" naka ngiti kong bati Kay Mang Larry

Nang makarating kami ay agad akong tumakbo papunta ng faculty sakto Wala pa Ang mga teacher dahil sinadya ko talaga Maaga pumasok para wala pang tao

Binaba ko na Ang sandwich na gawa ko sa table ni sir Marcos at nilagay Ang letter na sinulat ko

Palabas Nako ng bigla pumasok si sir Marcos

"Ang aga mo yata miss celestino? At Anong ginagawa mo Dito?" Bungad Naman nya, Wala man lang good morning?

"Ah sir goodmoring Po gusto ko lang Po sana kayo bigyan ng sandwich bilang thankyou dahil Ikaw lang Po Ang Hindi takot Dito sakin" naka Yuko Kong Sabi

"Hindi mo na kailangan Gawin yon miss celestino but thankyou padin Sige na pumunta kana sa classroom mo" seryoso nyang Sabi, Hindi ba marunong ngumiti Ang taong to?

Nag paalam Nako at nag punta na sa classroom, sakto Naman andun na din si ruffy

"Uy Dani aga mo ah?" Tanong nya Naman madalas kasi lagi akong sakto lang Ang dating

"A-ah ano maaga Kasi ako nagising" pag papalusot ko baka Malaman nya binigyan ko ng sandwich si sir Marcos

Tumango lang sya at ngumiti, ako Naman ay naupo na sa upuan ko

Nag datingan na Ang mga kaklse ko pati si sir Marcos

Nag turo na sya at ako Naman ay nakikinig ng mabuti mas ginanahan tuloy ako Ngayon mag aral hahaha

Nag ring na Ang bell kaya nag labasan na ulit Ang mga kaklse ko, syempre ako naiwan

Kami na lang ni sir ulit Ang naiwan dahil inaayos nya Ang gamit nya

"Uhmm sir?" Pag tawag ko sakanya

"Yes?" Cold Naman nyang sagot

Malimig na nga Ang panahon pati si Sir malamig din

"Nakain mo Po ba ung sandwich?" Nakangiting tanong ko

Nag iwas Naman sya bigla ng tingin Saka sumagot

"Ah O-oo inalmusal ko kanina" sagot nya pero Hindi makatingin sakin, pinagkibit balikat ko na lamang

"Hayaan mo sir Araw Araw Po kitang bibigyan ng sandwich" masayang Sabi ko

"Hin-" Hindi Naman natuloy ni sir Ang sasabihin nya ng dumating si ruffy

"Dani samahan na kita Kumain Dito" tumabi sya sakin at nilabas na Ang pagkain nya

"Sure ka?" Paninigurado ko

"Oo Tara kain na! Sir? Kayo Po san ka kakain?" Hindi Naman sya pinansin ni sir

Kinuha na ni sir Ang gamit nya at lumabas at padabog na sinara Ang pinto

"Luh? Anong problema nun?" Tanong Naman netong katabi ko

"Ewan" sagot ko at nag kibit balikat na lang baka nagalit Kasi sobrang kulit ko

Kumain na kami ni ruffy at pagtapos ay lumabas Muna kami dahil Isang Oras pa naman bago Ang sunod na klase namin



******

Lumipas Ang ilang linggo lagi ko syang binibigyan ng sandwich Araw Araw at tinatanggap Naman nya eto


Nag lalakad kami ni ruffy sa hallway habang nag tatawanan at naka Akbay pa sya sakin

Makakasalubong Naman namin sir Marcos na seryoso pa din Ang muka

"Hello sir" bati namin ni ruffy

"Mr. Salcedo sa detention room now!" Gulat naman kami sa biglang sigaw nya

"S-sir? Bakit Po? Ano Po ginawa ni ruffy?" Kinabahan tanong ko sakanya

"Bawal Ang maingay Dito malayo pa lang ay rinig ko na Ang boses mo mr. Salcedo" seryosong Saad nya

"Sige na Dani pupunta Nako mamaya na Lang Tayo mag kita bye!" Paalam naman ni ruffy at umalis na

"At Ikaw Naman miss celestino Hindi Kaba nahihiya nag papaakbay Kapa sa lalaki kababae mong tao at andito pa kayo sa loob ng university!" Sigaw Naman ni sir na kinagulat ko

Para nakikipag kwentuhan lang Naman ako Saka normal na lang Naman naa umakbay sakin si ruffy mag kaibigan kami mula pag kabata

Unti unti naman namumuo Ang luha sa mata ko dahil sa sobrang hiya madami din kasing Estudyante Ang nakakakita

Tinignan ko Naman sya at bakas sa muka nya na parang sya rin ay nagulat sa sinabi nya

"S-sorry Po" un lang Ang nasabi ko at tumakbo nako

"Miss celestino!" Rinig ko lang tawag nya pero Hindi ko sya pinansin



MY POSSESSIVE PROFESSOR Where stories live. Discover now