New Year's Day

12 2 0
                                        

6:00 AM

"Let's eat first before we start, babe."

Nakangiti akong tumango kay Miles habang pinapanood siyang naglakad papunta sa kusina para ilapag lahat ng binili namin. Nag-unat muna ako bago sumunod sa kanya. Nang makalapit ako, niyakap ko siya mula sa likod habang patuloy niyang nilalabas mula sa brown paper bag ang mga lulutuin na binili namin for breakfast.

"Anong lulutuin mo?" Nilagyan ko ng diin ang salitang 'mo'. I tried my best not to laugh while waiting for his reaction.

"I'll cook?" he asked, raising his brow and looking at me.

"Ayaw mo ba?" I asked back, joking.

He sighed in defeat which caused me to burst out laughing. Kinuha ko na ang isang dosenang itlog at isang balot ng hotdog saka naglakad patungo sa counter para alisan ng balat ang hotdog.

"Just kidding, babe." I giggled. "Have some rest, tawagin kita kapag kakain na."

After a while, I felt him hugging me from behind, his chin resting on my shoulder. I tried to conceal my giggle with a smile every time his breath hit my nape.

"'Wag mo sunugin iyong hotdog, ha?" he whispered, and I took it as an offensive remark.

"Kailan pa ako nagluto ng sunog na hotdog?" I aggresively put down the hotdog I have in my hand, and moved away from Miles. "Kailan pa?"

"I'm joking, Elle." Ngumiti siya na tila nagtagumpay siya sa ginawa niyang pang-iinis sa akin pero tinitigan ko lang siya nang masama kaya hinila niya ako at hinalikan sa noo. "Ang galing galing magluto ng baby ko, e."

"Ang aga aga, ha! Ganiyan ba dapat magluto ng breakfast?"

Napatingin kami kay Ate Ellie na bigla na lang napunta sa kusina. May hawak hawak siyang tumbler habang nakasunod naman sa kanya si Kuya Gio, asawa niya. Sinalubong ni Miles si Kuya at nakipag-apir, habang lumapit naman si Ate sa akin at piningot ang tainga ko.

"Ate!" I screamed for the sake of my ears saka niya lang iyon binitawan! Gosh!

"Ang aga niyo naman nakabalik? Masarap ba ihahanda mo mamaya?" she asked me, while scanning through the boxes, and eco bags that were on the floor.

"Of course! Tatalunin ko iyong inihanda ni Ate Ella last year," pagyayabang ko habang nakahalukipkip.

We have this thing on our family, especially sa aming magkakapatid, na mayroong isang naka-assign sa amin na maghahanda tuwing sasapit ang new year. This year, it is my turn. Hindi naman mabigat sa bulsa dahil aware naman kami sa pattern.

Ate Ellie, Kuya Ellio, Ate Ella, and me, Elle.

And every year, it's a sibling competition na higitan ang inihanda noong isa sa nakalipas na taon.

"Magluto ka na nga riyan," tila pikon na sabi ng ate ko sabay hila nang marahan sa buhok ko. I just glared at her.

6 AM pa lang, nakaka-two points na kaagad siya sa akin, ah!

Nagluto na nga ako ng almusal namin. Dinamihan ko na dahil alam ko naman na darating din ang mga lover ng dalawa ko pang kapatid. Nakakatuwa nga dahil marami kami, at kumpleto na sasalubungin ang bagong taon.

Sakto naman na pagkatapos ko magluto ay nagsi-babaan na ang dalawa ko pang kapatid pati na sila Mommy at Daddy. Sinalubong silang lahat ni Miles bago niya ako puntahan at akuin pansamantala ang ginagawa ko para masalubong ko rin sila.

New Year's DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon